(M’lang, North Cotabato/January 4, 2012) --- Pinagkaguluhan ngayon ng mga mamimili ang tila dolphin na ibinenta sa Barangay New Rizal, M’lang, kahapon.
Pero wala ni isa sa mga mamimili ang naglakas-loob na bumili ng kahit na kalahating kilo ng naturang isda, ayon sa isang residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa report, nangangamba na umano ang ilang mga taga-New Rizal ng malaman na dolphin na ang ibinebenta sa kanilang palengke kung kaya’t takot na umano silang mamili doon at baka dolphin na isda na ang kanilang mabili.
Sa impormasyon nakalap ng DXVL, halos 50 kilo umano ang bigat ng nasabing dolphin kungsaan natadtad na ang naturang isda at dinidisplay sa palengke.
Duda sila na dala-dala ng bolantero mula sa General Santos City o Digos City ang naturang isda.
BATAY sa isinasaad ng batas, ang mga isda na tulad ng dolphin ay bawal na ibenta sa kahit na saan sa Pilipinas.
At ang sinumang mapatutunayang nagbebenta ng ganito’ng uri’ng isda ay mananagot sa ilalim ng batas.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento