TODO-TANGGI si Roberto Ato, kapatid ng umano primary suspect sa pagpatay sa pari’ng Italyano na si Fausto Tentorio, na sangkot siya at ang kuya niya’ng si Jimmy Ato sa krimen.
Aniya, no’ng mangyari ang krimen, nagtatanim ng cacao ang kanyang kuya, habang siya, nagtungo ng Bukidnon para dalawin sa German Hospital ang maysakit na anak. Kasama niya na nagtungo sa ospital ang tatlo niya’ng mga anak.
Nakinig pa raw ang kuya niya ng report sa radyo sa kanilang bahay sa Barangay Kulaman Valley sa bayan ng Arakan tungkol sa kamatayan ng pari. Dala-dala niya rin ang card sa German Hospital bilang patunay na nandon nga siya sa Bukidnon no’ng patayin si Tentorio sa loob ng parokya niya sa Arakan.
AYAW DI’NG MANIWALA ni Roberto sa report ng NBI na ikinanta na raw siya ng kanyang kuya na umano ang driver ng kulay asul na Honda XRM na ginamit na get-away vehicle no’ng araw na patayin ang pari.
Taliwas din sa ipinangangalandakan sa report ng NBI na may mga armas ang magkapatid na Ato, di raw ito totoo. Kung mayroon man, mga “lagaraw” lang at gamit sa pagsasaka ang hawak nila.
Itinanggi rin niya na binaril niya ang mga NBI agents na kumuha sa kapatid niya. SA KABILA ng mga pahayag ni Roberto, matibay pa rin ang paninindigan ng National Bureau of Investigation o NBI na tama’ng tao ang kanilang binitbit sa Barangay Kulaman Valley sa Arakan, noong December 29.
Ayon kay Atty Virgil Mendez, ang deputy director for Regional Operations Services ng NBI, ang operasyon kontra kay Jimmy Ato ay produkto ng mahaba-habang surveillance, monitoring, at pagpapalalim sa imbestigasyon ng NBI.
SA NGAYON, nananatiling nasa kustodiya ni Cotabato 2nd district Representative Nancy Catamco si Roberto. Nilinaw ni Catamco na hangga’t wala’ng warrant of arrest na ihaharap sa kanya ang mga pulis, di niya itu-turnover si Roberto.
Ang mga Ato sa Barangay Kulaman Valley ay mga lider ni Catamco.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento