Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Power interruptions naranasan sa North Cotabato; load curtailment ng NGCP tinumbok na dahilan

(KIDAPAWAN CITY/January 6, 2012) – Abot sa halos 70 porsiento ang load curtailment o bawas sa suplay ng kuryente sa mga electric cooperative at mga private utility sa buong Mindanao.

Ito ayon sa pinakahuling data na ipinalabas ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Kung dati, 100 megawatts lang ang ibinawas sa mga power firm, ngayon, nadagdagan ito ng 50 megawatts, ito rin ang dahilan kung kaya’t sa umaga, 50 megawatts ang ibinawas sa kabuuang suplay ng kuryente sa Mindanao, at sa bandang hapon, abot na ito sa 100 megawatts.

Posibleng maapektuhan na naman dito ang Cotelco sa nasabing load curtailment.
         
Ayon kay Vincent Baguio, ang information officer ng Cotelco, abot sa 10 megawatts o 32 porsiento mula sa 32 megawatts na suplay ng kuryente ang ibinawas sa load nito sa kada araw.
         
Sinabi pa ni Baguio na magpapatuloy ang load curtailment, hangga’t ‘di nadadagdagan ang planta o power source ng Mindanao grid.
         
NAKA-DEPENDE ang suplay ng kuryente sa Mindanao sa mga hydro-electric power plant.
         
Katunayan, abot sa 53 percent sa 1,682 megawatts na kabuuang suplay ng kuryente sa Mindanao ay mula sa mga hydro-electric power plant sa Agus, Lanao del Sur, at Pulangi sa Bukidnon.
         
SIMULA pa nitong nakaraang araw, tig-ta-tatlumpung minuto ang power interruption sa kada feeder o sub-station sa buong service area ng Cotelco.

Ang power interruption nagsisimula bandang alas-8:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon; at mula 5:30 ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.  

0 comments:

Mag-post ng isang Komento