Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Pilot Central Elementary School, handa na para sa Brigada Kalinisan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2015) ---Handa ang Kabacan Pilot Central Elementary School para sa gagawing Brigada Kalinisan ngayong araw.

Ito ayon kay KPCES Principal Aida Delon.

Sinabi ng punong guro na bahagi ito ng kanilang Anti-Dengue Campaign sa kanilang paaraln.

Kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang sa nasabing aktibidad.

Alas 8:00  ngayong  umaga ay magkakaroon ng symposium kaugnay sa Brigada Kalinisan.

Layon nito na  mas lalo pang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga mamamayan kontra Dengue sa North Cotabato.

Pahirapang enrolment sa USM, ginagawan na ng hakbang ng administrasyon; Online enrollment isinusulong sa Pamantasan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2015) ---Planu ngayon ng pamunuan ng University of Southern Mindanao na gawing online ang registration para sa enrolment sa Pamantasan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni USM Alumni Association President/OIC Dr. Consuelo Tagaro.

Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang reklamo ng mga estudyante ng USM sa mabagal na proseso ng enrolment sa Pamantasan.

2 anggulo sinusundang motibo ng Kabacan PNP sa panibagong insidente ng pagbaril patay sa isang magsasaka

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2015) ---Dalawang anggulo ngayon ang sinusundang motibo ng Kabacan PNP sa pagbaril patay sa isang 40-anyos na magsasaka.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.

Matapos na paslangin ng riding tandem criminals si Junex Akoy, residente ng Purok Kibawe, Brgy. Magatos ng bayang ito sa bahagi ng National Highway, Poblacion, Kabacan pasado alas 10:00 ng umaga kahapon.

Cotabato Division handang handa na sa Senior High School implementation

(Amas, Kidapawan City/ November 6, 2015) ---Handang handa na ang Cotabato division sa implementasyon ng senior high school ng Department of Education (DepEd) na maguumpisa na sa school year 2016-2017.

Ito ang sinabi ng Cotabato Schools Division Superintendent Dr. Omar Obas sa panayam sa kanay ng DXVL News kahapon.  Sa katunayan anya ay nagpapatuloy ngayon ang pagpapatayo ng dalawa hanggang apat na classrooms sa 62 public secondary schools na mag oofer ng senior high curriculum.

Mga gumagamit ng bora-bora na tambutso sa Kidapawan City, binalaan ng TMU

(Kidapawan City/ November 5, 2015) -Binalaan ng Traffic Management Unit ng Kidapawan ang mga gumagamit ng bora-bora o open pipes mufflers na kukumpiskahin ng TMU ang kanilang motorsiklo.

Ang hakbang ay ginawa ng TMU matapos na pinasagasaan sa pison ang limang daang mga bora-bora na tambutso sa harap ng Kidapawan city hall.

Mahigit 2K botante na hindi nakapag-biometrics tanggal na sa listahan ng Comelec Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2015) ---Tanggal na sa listahan ng Comelec Kabacan ang may dalawang libung mga botante na hindi nakapag-biometrics.

Ito ang napag-alaman sa Comelec Kabacan matapos ang isinagawa nilang registration and validation na nagtapos noong October 31.

Nabatid na abot sa 1,959 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro at nagpa-validate sa Comelec Kabacan simula ng binuksan ang naturang  registration.

Magsasaka, patay sa pamamaril

(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2015) ---Dead on Arrival sa bahay pagamutan ang isang 40-anyos na magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bahagi ng National Highway, Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang biktima na si Junex Akoy, residente ng Purok Kibawe, Brgy. Magatos ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, lulan ang biktima sa kanyang kulay pulang motorsiklo na may license plate 1112-379638 ng sundan ng mga suspek na sakay ng Kawasaki Bajaj Motorcycle at walang abu-abung pinagbabaril.

Dahilan ng Mahabang Pila sa USM Admin, sinagot ni VPAA Ampang

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2015) ---Sinagot kahapon ni Vice President for Academic Affairs, Dr. Palasig U. Ampang  ang reklamo ng mga studyante tungkol sa mahabang pila ng enrollment dito sa University of Southern Mindanao.

Ayon kay Dr. Ampang, hindi kasi sinusunod ng ilang estudyante ang itinalagang schedule of enrollement na nagsimula pa noong nakaraang linggo at magdadagsaan sa huling nalalabing araw.

Pulis, 10 kasama, huli sa pagnanakaw ng pinya!

(South Cotabato/ November 4, 2015) ---Kalaboso ang binagsakan ng isang pulis at sampu nitong kasamahan makaraang arestuhin dahil sa pagnanakaw ng mga pinya sa Field 302C ng DOLE-Philippines sa Barangay Crossing, Palkan sa bayan ng Polomolok, South Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Clan War na sumiklab sa bayan ng Pigcawayan, naka-takdang pag-usapan!

(Pigcawayan, North Cotabato/ November 4, 2015) ---Humupa na ang sagupaan sa Barangay Buricain sa bayan ng Pigcawayan matapos na pumagitna na ang International Monitoring Team at ang MILF Peace Command sa lugar.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Arnel Melocotones matapos na nagkaroon ng engkwentro ang ilang angkan na matagal ng may alitan sa lugar.

Nakatakda na ring pulungin ng pamahalaan kasama ang kinaanibang grupo ng mga pamilyang sangkot sa rido upang matuldukan na ang nasabing girian.

Pagsulputan ng mga Bote Takal sa bayan ng Kabacan, kinuwestiyon!

(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2015) ---Kinuwestiyon ng ilang mga kumpanya ng langis na nag-ooperate sa bayan ng Kabacan ang pagsulputan ng bote Takal sa bayan.

Ito ang ipinarating na reklamo ng mga big oil players sa pamunuan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan nabigyan din ng kopya ang Bureau of Fire Protection Kabacan.

Aminado naman si FSI Ibrahim Guiamalon na walang business permit at hindi din sila naka-pag-bigay ng fire permit sa mga nagtitinda ng gasolina sa mga bote takal.

OPA Fisheries Division Nagsagawa ng Fish Processing Training para sa mga RIC Members sa Carmen at Aleosan

(Amas, Kidapawan city/ November 4, 2015) ---Upang matulungang magkaroon ng pagkakakitaan ang limampu’t apat na Rural Improvement Club members na mula sa Tacupan, Carmen, Dungguan at Dualing, Aleosan, nagsagawa kamakailan (10/15-16, 20-21/15) ang OPA Fisheries Division ng isang skills training on fish processing particular sa paggawa ng daing na tilapia, lamayo at fish bagoong.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, regular na nagsasagawa ng ganitong aktibidad ang Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nagrerequest ng training upang magkaroon ng livelihood ang mga kalahok mula sa kanilang matutunan sa technology demonstration.

Bus Vs. Motorsiklo; panaderong drayber patay

(Kidapawan City/ November 3, 2015) ---Patay ang isang panadero matapos masangkot sa aksidente sa National Highway partikular sa bahagi ng East Patadon, Kidapawan city kahapon ng hapon.

Kinilala ng PNP ang biktima na si Margarito Rojas Amigos, may asawa na taga Barangay Marbel, Matalam, North Cotabato.

Ayon sa report ng Kidapawan City PNP Traffic Section, minamaneho ni Amigos ang kanyang XRM 125 motorcycle na may license plate MN 2871 patungong Cotabato Area nang mag overtake ito sa isang pick up truck pero sumabit ito sa kaliwang bahagi ng sasakyan dahilan para mawalan ito ng kontrol at bumangga ito sa kasalubong na Mindanao Star Bus na patungong Davao City na minamaneho naman ng isang Allan Pagasiat Tenizo, 40 anyos, na taga South Mawangan, Pigcawayan, North Cotabato.

War Against Illegal Gambling, mas pinaigting ng Kabacan PNP; ilang mga pulitiko nasa likod ng pagpapatakbo ng illegal na sugal sa Kabacan- Source PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 3, 2015) ---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya laban sa illegal na sugal sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.

Ayon kasi sa report, talamak ang patayaan ng hantak at iba pang mga illegal number games kagaya ng last two at last three sa bayan.

Pag-obserba ng Undas sa North Cotabato naging mapayapa sa pangkalahatan

(North Cotabato/ November 3, 2015) ---Naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang pag-obserba ng Undas sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng North Cotabato PNP.

Aniya tatlong araw ang inilaan nilang paghahanda kaugnay sa nasabing pag-obserba kungsaan naka-alerto ang buong hanay ng kapulisan.

16-anyos na pamangkin ng brgy. Kapitan, patay sa pananambang sa Pigcawayan, North Cotabato

(Pigcawayan, North Cotabato/ November 3, 2015) ---Patay ang 16-anyos na pamangkin ng isang Barangay chairman sa nangyaring ambush sa Brgy. Buricain, Pigcawayan, North Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng CPPO nakilala ang biktima na si John Paul Maraguiar, menor de edad at residente ng nabanggit na bayan.

Ugnayan ng PG Cot at Gangwon Provincial Government ng S. Korea pinalalakas pa

AMAS, Kidapawan City (November 2) – Matapos ang official visit ng Cotabato Province delegation sa Gangwon Province, South Korea at pagdalo ng mga ito sa 11th Gongwon Medical Equipment Show noong Sep 8-11, 2015, lalo pang pinag-iibayo ngayon dalawang lalawigan ang kanilang mabuting ugnayan.

Ito ay makaraang dumating sa Kidapawan City noong Oct 28-29, 2015 ang delegasyon mula sa Gangwon sa pangunguna ni Jin-Pyo Jeon, International Relations Division Director at tinalakay ang mga developmental projects na maaaring ipatupad sa lungsod at sa mga kalapit munisipyo.

Paggunita ng Undas sa bayan ng Kabacan naging pamayapa sa pangkalahatan

(Kabacan, North Cotabato/ November 2, 2015) ---Naging mapayapa at tahimik sa pangkalahatan ang paggunita ng undas o araw ng mga patay sa bayan ng Kabacan, kahapon.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.

Aniya, patuloy ang ginawa nilang police visibility sa mga sementeryo sa bayan ng Kabacan.

2 tulak droga, huli sa buy bust operation ng Matalam PNP

(Kabacan, North Cotabato/ November 2, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridada ang dalawa ka tao na pinaniniwalaang tulak droga sa inilatag na buy bust operation ng Matalam PNP sa bahagi ng Purok Islam, Brgy. Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 4:30 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni PSI Sunny Rubas Leoncito, pinuno ng Matalam PNP ang mga nahuli na sina Jakarya Balabagan ‘alias Kire’, 31-anyos, residente ng Purok 7, Brgy. Kilada, Matalam at isang Alex Mangindalat Amilel, 32-anyos, May asawa, residente ng Purok Islam, Poblacion, ng nabanggit na bayan.

Nahuli ang mga suspek sa pamamgitan ng drug buy bust operation kungsaan isa sa mga pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu sa mga suspek.