Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

16-anyos na pamangkin ng brgy. Kapitan, patay sa pananambang sa Pigcawayan, North Cotabato

(Pigcawayan, North Cotabato/ November 3, 2015) ---Patay ang 16-anyos na pamangkin ng isang Barangay chairman sa nangyaring ambush sa Brgy. Buricain, Pigcawayan, North Cotabato pasado ala 1:00 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng CPPO nakilala ang biktima na si John Paul Maraguiar, menor de edad at residente ng nabanggit na bayan.

Nakaligtas naman sa nasabing pananambang si Buricain Kapitan Arnel Abdulsalam.

Batay sa ulat, naglalakad pauwi sa kanilang bahay ang mga biktima buhat sa isang pagpupulong mula sa bahay ni Kagawad Ding Luminseg kasama ang ilang mga guro ng Buricain Elementary School ng pagbabarilin ang mga biktima.

Sa report ni PSI Arnel Melocotones, hepe ng Pigcayawan PNP na mula sa grupo ni kumander Alfie sa ilalim ng 105th based command na nakabase sa bayan ng Aleosan ang mga responsable sa nasbaing pag-aambush.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan si Maraguair na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang maswerte namang nakaligtas si Kapitan.


Ayon sa ulat ang nasabing insidente ay posibleng may kinalaman sa dati ng rido sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento