(Kabacan, North Cotabato/ November 3, 2015)
---Mas pinaigting ngayon ng Kabacan PNP ang kanilang kampanya laban sa illegal
na sugal sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie
Cordero, hepe ng Kabacan PNP.
Ayon kasi sa report, talamak ang patayaan ng
hantak at iba pang mga illegal number games kagaya ng last two at last three sa
bayan.
May mga ulat din na ilan sa mga empleyado ng
munisipyo ay nagtataya din ng last two.
Sa isang text sa programang ‘Oras ng Bayan’
ng DXVL News kahapon, sinabi ng texter na ‘hindi daw nakikita ng alkalde at ng
hepe ng PNP ang talamak na hantakan malapit sa Sugni at mga pasugalan ng last
two sa mga PCSO outlet sa bayan’.
Itinanggi naman ni Chief Cordero ang
nasabing pahayag, katunayan aniya, ay pangalawa ang Kabacan sa may
pinakamaraming accomplishment kaugnay sa inilunsad nilang ‘war against illegal
gambling’.
Dagdag pa ni PSI Cordero na may
impormasiyong silang natatanggap na may ilang mga running candidate na nasa
likod umano ng pagppatakbo ng illegal na sugal sa bayan.
Bagam’t hindi muna pinangalanan ng opisyal,
kanila muna itong patutunayan dahil malaking paglabag ito batay sa nakasaad sa
Republic Act 9287. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento