Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pag-obserba ng Undas sa North Cotabato naging mapayapa sa pangkalahatan

(North Cotabato/ November 3, 2015) ---Naging maayos at mapayapa sa pangkalahatan ang pag-obserba ng Undas sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng North Cotabato PNP.

Aniya tatlong araw ang inilaan nilang paghahanda kaugnay sa nasabing pag-obserba kungsaan naka-alerto ang buong hanay ng kapulisan.

Kanila ring ipinapatupad ang 95% police deployment sa mga matataong lugar kagaya ng Public market, pampublikong terminal, mga national highway at iba pa.

Bagaman at dinagsa ng daan daang tao ang bawat sementeryo ay kontrolado naman ito ng PNP na nagmomonitor sa lugar.

Samantala, nakiusap naman ng opisyal sa publiko na kung may mga sumbong o reklamo na agad na iparating sa local police ito para mabigyan agad ng tugon at maputol ang mga kalokohang ginagawa ng mga criminal at mga terorista sa lugar.


Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos mahuli ang dalawa sa mga malalaking drug dealer sa Matalam, North Cotabato kahapon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento