Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Pilot Central Elementary School, handa na para sa Brigada Kalinisan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2015) ---Handa ang Kabacan Pilot Central Elementary School para sa gagawing Brigada Kalinisan ngayong araw.

Ito ayon kay KPCES Principal Aida Delon.

Sinabi ng punong guro na bahagi ito ng kanilang Anti-Dengue Campaign sa kanilang paaraln.

Kasama ng mga bata ang kanilang mga magulang sa nasabing aktibidad.

Alas 8:00  ngayong  umaga ay magkakaroon ng symposium kaugnay sa Brigada Kalinisan.

Layon nito na  mas lalo pang mabigyan ng dagdag na kaalaman ang mga mamamayan kontra Dengue sa North Cotabato.


Ginawa ng Cotabato Division ang hakbang matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Dengue hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa ilang bahagi na ng bansa kung saan kadalasan ang mga nabibiktima ay mga mag-aaral sa mga paaralan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento