(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 5,
2015) ---Sinagot kahapon ni Vice President for Academic Affairs, Dr. Palasig U.
Ampang ang reklamo ng mga studyante
tungkol sa mahabang pila ng enrollment dito sa University of Southern Mindanao.
Ayon kay Dr. Ampang, hindi kasi sinusunod ng
ilang estudyante ang itinalagang schedule of enrollement na nagsimula pa noong
nakaraang linggo at magdadagsaan sa huling nalalabing araw.
Dahilan naman ng mga estudyante kung bakit huli
na silang nakapa enroll ay ang late na pagpopost ng mga grado na kinakailangan
sa enrollment process.
Sa datos na nabanggit na opisyal kahapon sa
programang Oras ng Bayan, as of 3:00 ng hapon kahapon, 6, 318 ang nakapag
enroll o 50.35% sa inaasahang number of enrollees ngayong taon at may 3,
977namang registered na hindi pa nakapagbabayad.
Palalawigin naman ng administrasyon ang
enrollment hanggang sa Sabado (November 7, 2015) upang mabigyan ng tsansa ang
lahat ng estudyanteng makapag enroll ata makapagbayad bago pa man magsimula ang
klase sa lunes ( November 9, 2015).
Dagdag pa niya na tumatanggap ang pamantasan
ng partial payment dahil naiinyindihan umano nito ang problemang pinansyal ng mga magulang.
Samantala kung ikukumpara naman last
semester na may 12, 549 enrolless sa
inaasahang 10, 295 enrollees ngayong taon. Brex Nicolas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento