(Pigcawayan, North Cotabato/ November 4,
2015) ---Humupa na ang sagupaan sa Barangay Buricain sa bayan ng Pigcawayan
matapos na pumagitna na ang International Monitoring Team at ang MILF Peace
Command sa lugar.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Arnel
Melocotones matapos na nagkaroon ng engkwentro ang ilang angkan na matagal ng
may alitan sa lugar.
Nakatakda na ring pulungin ng pamahalaan
kasama ang kinaanibang grupo ng mga pamilyang sangkot sa rido upang matuldukan
na ang nasabing girian.
Una ng sinabi ni Melocotones na nagsilikas
na ang mga armadong grupo sa Brgy. Buricain na naging dahilan ng tensiyon
nitong mga nakaraang araw.
Kinumpirma din ng opisyal na walang may
nasawi sa nasabing engkwentro maliban na lamang sa isang 16-anyos na pamangkin
ng Kapitan na namatay sa pananambang.
Matatandaan na namatay sa nasabing ambush si
John Paul Maraguiar habang nakaligtas naman ang kasama ni John na si Buricain
Barangay Chairman Arnel Abdulsalam.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na
naglalakad pauwi ang dalawa mula sa
pagpupulong sa bahay ni Kagawad Ding Luminseg kasama ang ilang mga guro
ng Buricain Elementary School nang harangin at pagbabarilin.
Pinaniniwalaang may kaugnay sa matagal ng
alitan ng magkabilang pamilya o rido ang nasabing insidente. Rhoderick Beñez
Suspek
sa pamamaril sa Pamilihang bayan ng Pigcawayan, arestado!
Kulungan ang bagsak ng suspek na responsable
sa nangyaring pamamaril sa Public Market ng Pigcawayan, North Cotabato alas
5:45 kahapon ng hapon.
Kinilala ni PSI Arnel Melocotones, pinuno ng
Pigcawayan PNP ang biktima na si Nasrudin Daude, nasa hustong gulang, may asawa
at residente ng Poblacion 1 ng nasabing bayan.
Ang suspek ay kinilalang si Tahar Landido,
isang negosyante at residente ng Poblacion 2.
Agad namang isinugod sa bahay pagamutan ang
biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan habang naaresto naman ng
mga pulisya ang suspek.
Sinasabing self defense umano ang ginawa ng
suspek dahil sa tangka din siyang patayin ng bikitma.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento