(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2015)
---Dalawang anggulo ngayon ang sinusundang motibo ng Kabacan PNP sa pagbaril
patay sa isang 40-anyos na magsasaka.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie
Cordero, hepe ng Kabacan PNP.
Matapos na paslangin ng riding tandem
criminals si Junex Akoy, residente ng Purok Kibawe, Brgy. Magatos ng bayang ito
sa bahagi ng National Highway, Poblacion, Kabacan pasado alas 10:00 ng umaga
kahapon.
Batay sa ulat Lulan ang biktima sa kanyan
kulay pulang motorsiklo na may license 112-379638 ng sundan ng mga suspek na
sakay naman ng Kawasaki Bajaj at pagbabarilin.
Naisugod pa ang biktima sa bahay pagamutan
pero di na ito umabot pa ng buhay.
Ayon pa sa opisyal, dalawa ang nakikita
nilang motibo sa pagbaril kay Akoy, ang isa dito ay ang drug related case
kungsaan sangkot umano ang biktima sa pagtutulak ng droga.
Posible din umanong family problem ang
pinag-ugatan ng nasabing insidente dahil ang biktima ay hiniwalayan nito ang
kanyang unang asawa na nasa abroad kungsaan nag-asawa ito ng isang titser na
magreretiro na daw.
Napag-alaman na kahapon din ng umaga ay
inilibing na si Reyno Laguarda, ang bus inspector na pinagbabaril sa Brgy.
Kayaga noong hapon ng October 27.
Napaslang si Laguardia, nang inilibing din
noong araw na yun ang isa pang biktima ng pamamaril na taga Brgy. Osias na si
Felipe Quilas na binaril noong October 16 sa bahagi ng Abellera St., Poblacion,
Kabacan.
-0-0-0
Samantala, isolated lamang ang nasabing
insidente ng pamamaril kungsaan nasa maayos ta generally peaceful naman sa
pangkalahatan ang sitwasyon ng peace and order ng Kabacan.
Ito ang tiniyak ni PSI Ronnie Cordero sa
panayam ng DXVL News kahapon.
Iginiit ng opisyal na patuloy nilang
ipinapatupad ang 95% na deployment ng total strength ng PNP, batay naman ito sa
deriktiba ng higher headquarter ng Pambansang Pulisya.
Ipinakakalat ng opisyal ang kanyang mga
tauhan sa matataong lugar kagaya ng Public Market, Public Terminal at maging sa
USM Avenue.
Sa kabila ng ginagawa nilang pag-maximize ng
police presence, aminado si Senior Inspector Cordero na muli itong nalusutan ng
mga masasamang element kasi sila pina-pattern ng mga criminal ang galaw ng mga
kapulisan.
Sa lugar kungsaan naganap ang pinakahuling
kaso ng pamamaril sa Poblacion, Kabacan ay walang static post ang PNP, merun
naman silang schedule ng checkpoint pero pang-gabi lamang ito.
-0-0-0-
Sa kaugnay na balita, naglabas na ng
deriktiba si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na nag-uutos na lagyan ng
detachment ang inabandonang detachment sa intersection papuntang bayan ng
Carmen at Pikit.
Ang nasabing detachment ay lalagyan ng pulis
personnel at mga BPAT upang magkaroon ng regular na checkpoint sa nasabing
lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento