Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

22-anyos na lalaki nabangungot? Patay!

Napaaga ang salubong kay kamatayan ng isang 22-anyos na lalaki makaraang mabangungot alas 2:20 kaninang madaling araw habang natutulog sa tinatrabahuan nitong kainan sa Kabacan, Cotabato.

Sa report ng Kabacan PNP kinilala ang biktima na si Jupith Valenzuela, walang asawa at cook ng chicken namit at residente ng Surallah, South Cotabato.

Ayon sa kanyang ka-trabaho na nagreport sa pulisya na si John Lyod Cataluna, 19, cook din ng nasabing establisimiento at residente ng Mlang, sinabi nitong habang natutulog si Valenzuela sa mesa nitong gabi, bigla na lamang itong nahulog at nawalan na ng malay.

Ayon sa report, binangunot na raw ang biktima dahilan kung bakit di na ito nakagising.

Pero bago pa man tuluyang namatay si Valenzuela ay naisugod pa ito sa Kabacan Medical Specialist kanina subalit tuluyan na itong binawian ng buhay.

Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang nasabing pangyayari kung may foul play nga ba sa pagkamatay ng biktima.

Samantala, caught on the act sa pangnanakaw ang isang Jamil Umpar Saikal, 21 taong gulang, walang asawa at residente ng Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Nahuli siya ng mismong security guard ng MC Square Department Store na nasa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:30 kahapon ng hapon na tinatangay ang isang pantalon na nagkakahalaga ng P259.75.

Agad namang inaresto ang nasabing suspetsado ng mga pulisya.

Publiko pina-iingat sa mga kumakalat na mga pekeng pera sa bayan ng Kabacan

Kumakalat na naman ang mga pekeng pera na siyang ginagamit ng mga sindikato sa kanilang modus operandi ngayong papalapit ang kapaskuhan.
Maging ang collector ng isang bangko dito sa bayan ng Kabacan ay naging biktima nito.

Ayon sa report, isang 500 peso bill ang iniremit nito sa kanilang opisina pero ng siyasatin ng cashier ay malayong malayong ang anyo ng nasabing salapi sa orihinal na 500 peso bill.

Posible umanong galing ang pekeng pera sa isa sa mga kliyente nila na di rin alam na peke ang perang kanyang ibinigay.

Payo naman ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP sa publiko na siyasating maige ang perang ibinibigay sa inyu lalo mula sa mga pampublikong lugar kagaya ng palengke.

Ikumpara umano ang mga security features at texture ng papel sa orihinal na pera.

At kapag duda umano na peke ang perang ibinigay o isinukli sa inyu agad na isumbong sa pulisya para mapasuri sa bangko.

Nabatid mula sa mga eksperto na malalaman, kapag peke ang pera kung madaling mapunit ito.

Halimbawa sa 500 peso bill, sa kaliwang ibaba nito may nakatatak na 5-0-0 at kapag gamitan ng magnifying glass ay mababasa ang bangko sentral ng pilipinas pero sa mga pekeng pera, di ito makikita.

Karamihan sa mga pekeng pera na kumakalat ditto sa bayan ay ang P20.00, 100 at 500 peso bills.

Aberya sa kontruksiyon ng 69KV line, nagdulot ng mahigit sa tatlong oras na power interruption kahapon; power crisis sa Mindanao naka-amba 

Nagkaroon umano ng aberya sa isinasagawang 69KV line sa sub-transmission ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco Kabacan dahilan kung bakit nakaranas ng mahabang power interruption ang feeder 11 na linya ng Cotelco.

Nawala kasi ang supply ng kuryente bago mag alas 5 ng hapon kahapon at bumalik na ito pasado alas 8:00 na ng gabi.

Sinabi ngayong umaga ni Kabacan Cotelco Director Samuel Dapon na nahulog umano ang pole habang isinasagawa ang  pagsasaayos ng 69KV transmission line at nahulugan pa ang atip ng isa sa mga bahay na malapit sa erya.

Gayunpaman, agad namang kinumpuni ng mga technical team ang linya.
Kaugnay nito, ipinaliwanag naman ni Cotelco OIC-Manager Godofredo Homez sa katatapos na MSEAC meeting kahapon ang dahilan ng pagkawala ng kuryente simula pa nitong mga nakaraang araw.

Aniya nagpapatupad sila ng load curtailment dahil sa nangyayaring generation deficiency o kakulangan sa supply ng kuryente mula sa PSALM at MPC dahil na rin sa problema ng mga planta.

Sinabi pa ni Homez na kapag nagka-problema sa planta tiyak anyang magbabawas sila ng load.

Bagama’t marami umano ang dismayado sa panaka nakang pagkawala ng kuryente lalo ang mga negosyante at mga estudyante na kailangan ang serbisyo ng kuryente, hindi naman umano ito masasagot ng kooperatiba dahil kagaya ng Cotelco ay bumibili lamang sila sa mga power distributor.

Kaya naman ngayong kapaskuhan umaapela ang pamunuan ng cotelco sa mga power distributor kagaya ng MPC, PSALM at NGCP na bigyan ng normal na load ang kooperatiba.

Kung magpapatuloy umano ang energy crisis sa bahaging ito ng Mindanao.
May alternatibong opsiyon umano ang kooperatiba, ito ay magbibili ng dagdag na power supply mula sa mga pribadong kumpanya na nag-mamay-ari ng mga malalaking barges.

Ibig sabihin, ayon kay Homez, nangangahulugan ito ng dagdag na bayad sa singil ng kuryente pero wala na umanong magaganap na power interruption.
Ito ay kung papaya umano ang mga konsumedures ng cotelco sa nasabing opsiyon. (RB ng Bayan)

Mahigit kumulang sa 5 libung pamilya mula sa Kabacan maisasailalim sa Pantawid Pamilya o CCT program

Kabilang na ngayon sa makakatanggap ng benepisyong Conditional Cash Transfer o CCT ang bayan ng Kabacan na dating di kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na programa ng pamahalaang Nasyunal.

Ito ay naglalayong makabigay ng tulong pinansyal para sa edukasyon at kalusugan ng mga pamilyang nasa mahirap ang buhay o yung tinatawag na Extremely poor household.

Sa panayam kay Provincial Link ng Pantawid Pamilya Benilda Cortez, isa sa basihan upang maging myembro ng nasabing programa ay iyong pamilyang mayroong anak na 0 hanggang 14 na taon gulang at may buntis na ina.

Dagdag pa niya na mayroon ding nakatalagang kondisyonales sa mga beneficiaries nito gaya ng pag attend ng monthly meeting sa kinabibilangan na barangay, post prenatal care naman sa mga buntis preventive check-up gaya ng immunization sa 0-5 na taong gulang at family development session.

Inaasahan naman na magkakaroon ng Community Assembly sa darating na December 13-19 na kung saan magsisimula na ang family registration ng mga magiging benefiaries ng nasabing programa ditto sa bayan ng Kabacan.

Kabilang sa mga bayan na kasali ngayon sa set 5 ng DSWD ang Kabacan, Kidapawan city, Libungan, Midsayap at Makilala.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isa lamang sa sagot ng Philippine government para matugunan ang Millennium Development Goals o MDG’s.

Mahigit kumulang sa 5 libung pamilya mula sa Kabacan maisasailalim sa Pantawid Pamilya o CCT program

Kabilang na ngayon sa makakatanggap ng benepisyong Conditional Cash Transfer o CCT ang bayan ng Kabacan na dating di kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na programa ng pamahalaang Nasyunal.

Ito ay naglalayong makabigay ng tulong pinansyal para sa edukasyon at kalusugan ng mga pamilyang nasa mahirap ang buhay o yung tinatawag na Extremely poor household.

Sa panayam kay Provincial Link ng Pantawid Pamilya Benilda Cortez, isa sa basihan upang maging myembro ng nasabing programa ay iyong pamilyang mayroong anak na 0 hanggang 14 na taon gulang at may buntis na ina.

Dagdag pa niya na mayroon ding nakatalagang kondisyonales sa mga beneficiaries nito gaya ng pag attend ng monthly meeting sa kinabibilangan na barangay, post prenatal care naman sa mga buntis preventive check-up gaya ng immunization sa 0-5 na taong gulang at family development session.

Inaasahan naman na magkakaroon ng Community Assembly sa darating na December 13-19 na kung saan magsisimula na ang family registration ng mga magiging benefiaries ng nasabing programa ditto sa bayan ng Kabacan.

Kabilang sa mga bayan na kasali ngayon sa set 5 ng DSWD ang Kabacan, Kidapawan city, Libungan, Midsayap at Makilala.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isa lamang sa sagot ng Philippine government para matugunan ang Millennium Development Goals o MDG’s.

Mga Santa-Sundalo nangaroling sa Kabacan LGU

Suot ang damit na kulay pula at may katagang “Pamaskong Handog ng 7IB Serbisyong Tapat para sa Lahat” gamit ang gitara, tambol at iba pang instrumentong musika.

Maagang nangangaroling ang may mahigit sa labin limang kasapi ng 7th IB, Philippine Army na nakabase sa Pikit, North Cotabato sa harap mismo ng opisina ng Mayor’s Office ng Kabacan LGU kahapon ng hapon.

Ang team ay pinangunahan ni Lt. Benjamen de Peralta kungsaan mahigit sa isang oras na kumanta ng mga Christmas songs ang mga ito.

Aliw na aliw naman ang mga kawani ng Kabacan LGU habang nanonood at sumasabay sa mga pamaskong awitin at napapaindak pa.

Ang nasabing Christmas caroling ng mga sundalo ay bahagi ng kanilang taunang gawain tuwing sumasapit ang pasko. 

Kabacan PNP may apela sa mga may ari ng motorsiklo

Umaapela ngayon si P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP sa publiko lalo sa may mga may ari ng sasakyan partikular ang mga motorsiklo na XRM na siyang pinupunterya ng mga magnanakaw, na maging maingat at mapag-matyag.

Ito ang sinabi ng opisyal makaraang nakapagtala ang kanilang himpilan ng anim ng carnap incidents o nakaw ng mga single na motorsiklo nito lamang huling quarter ng taon.

Ayon kay Semillano, nababahala umano ito dahil karamihan sa mga insedenteng ito ay di mismo namamalayan ng mga may ari na tinangay nap ala ang kanilang motorsiklo na naka garahe lang sa loob ng kanilang bahay.

Dagdag pa nito na pinapasok umano ng mga kawatan ang kanilang target na bahay sa mga oras na alas 12 hanggang alas 4:00 ng madaling araw at ang masakit pa dito, tatlo sa kahalintulad na insedente ay pinapatay o nilalason umano ng mga salarin ang mga alagang hayop kagaya ng aso para di makapagtahol.

Kaugnay nito, may grupo naman ngayong tinututukan ang Kabacan PNP na siyang pangunahing responsable sa mga serye ng nakawan sa bayan.

Kaya naman apela ng opisyal sa mga may ari ng sasakyan na wag bigyan ng pagkakataon ang mga salarin para maisakatuparan ang masamang balakin.

Tiyakin ding naka-double o triple lock ang inyung mga sasakyan.

Amindo naman ang opisyal na dir in nila kayang bantayan ang buong erya ng Kabacan.

Mahigit kumulang sa 5 libung pamilya mula sa Kabacan maisasailalim sa Pantawid Pamilya o CCT program

Kabilang na ngayon sa makakatanggap ng benepisyong Conditional Cash Transfer o CCT ang bayan ng Kabacan na dating di kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program na programa ng pamahalaang Nasyunal.

Ito ay naglalayong makabigay ng tulong pinansyal para sa edukasyon at kalusugan ng mga pamilyang nasa mahirap ang buhay o yung tinatawag na Extremely poor household.

Sa panayam kay Provincial Link ng Pantawid Pamilya Benilda Cortez, isa sa basihan upang maging myembro ng nasabing programa ay iyong pamilyang mayroong anak na 0 hanggang 14 na taon gulang at may buntis na ina.

Dagdag pa niya na mayroon ding nakatalagang kondisyonales sa mga beneficiaries nito gaya ng pag attend ng monthly meeting sa kinabibilangan na barangay, post prenatal care naman sa mga buntis preventive check-up gaya ng immunization sa 0-5 na taong gulang at family development session.

Inaasahan naman na magkakaroon ng Community Assembly sa darating na December 13-19 na kung saan magsisimula na ang family registration ng mga magiging benefiaries ng nasabing programa.

Ipinapaalam din na kailangang magdala ng valid ID at legal na mga dokumento bilang pagpapatunay ng kanilang identity.

Sa bayan ng Kabacan ang general assembly at family registration para sa nabanggit na programa ay gaganapin sa December 13 - 19

DXVL (Periodiko Express)                                                                                 December 7, 2011

Guro arestado matapos akusahang nagmolestiya sa kanyang mga estudyante

Kalabuso ngayon sa Kabacan Lock-up cell ang isang 25-anyos na titser matapos lumabag ito sa R.A. 7610 o protection of children against child Abuse Exploitation and discrimination.

INARESTO ng mga operatiba ng Kabacan PNP ang nasabing guro sa isang pribadong eskwelahan matapos sampahan ng reklamong child abuse.

Ang guro na may initial na “L.V.” ay Grade 5 teacher ng isang private school ditto sa bayan ng Kabacan.

Batay sa isinampang reklamo ng ina ng isa sa mga biktima, minolestiya ng guro ang pitong mga mag-aaral ng naturang eskwelahan.  

Pinakitaan raw niya kasi ng kanyang “Brgy. Chairman” ang mga mag-aaral sa loob mismo ng silid-aralan habang lunch break.

Nang makarating sa nanay ng isa sa mga estudyante ang nangyari, agad niya ito’ng inireklamo at kinasuhan.

Sumunod na rin sa nagsampa ng reklamo ang ilan pang mga magulang.

Ang reklamong paglabag sa Section 10, Article 6 sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Act ay naisampa na ng Women and Children’s Protection Desk ng Kabacan PNP sa Cotabato Provincial Prosecutor’s Office sa Kidapawan City.

Nang tunguhin naman ng DXVL News team ang paaralan, wala umano ang head administrator ng nasabing paaralan at lahat naman ng mga guro sa nasabing paaralan ay nagkaklase, ayon sa security guard na aming nakapanayam.



Personal na motibo ang naging dahilan ng pamamaril ng suspek sa conductor at  driver ng Weena Bus na nauwi sa pang-hohostage

Kung si SSUPT Cornelio Salinas, Provincial Police Director ng North Cotabato ang tatanungin, HINDI HOLDAP kundi personal ang motibo ng suspek na bumaril at pumatay sa driver at konduktor ng isang Weena bus unit sa Pigcawayan, Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Pigcawayan PNP Chief police chief Insp. Donald Cabigas na dead on the spot ang driver na si Rogelio Baldavieso at konduktor nitong si Adam Ma-el matapos pagbabarilin ng suspek na nakilala namang si
Nelson Lavenia, 46 years old at taga Midsayap, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga imbestigador, sumakay ang suspek mula sa Midsayap at pagsapit sa Brgy. Manuangan, Pigcawayan, Cotabato ay nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang konduktor na si Ma-el at ang suspek sa likurang bahagi ng bus.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ng putok ng baril ang mga pasahero ng bus. Itinigil ng driver na si Baldavieso ang pagpapatakbo sa bus at tinangkang agawin ang baril na hawak ni Lavenia ngunit maging siya ay binaril at napatay din.

Agad namang nagresponde ang mga otoridad matapos marinig ang sunod-sunod na putok ng baril at dahil na rin sa sumbong ng mga residente ng Barangay Manuwangan.

Gayunman, bukod sa baril at patalim ay armado rin ng granada ang suspek at hinostage ang labing isang pasahero ng naturang bus.

Nagbantang ang suspek na pasasabugin ang granada kung magpupumilit ang mga pulis na lumapit at hulihin siya. Gayunman, sa isinagawang negosasyon ay sumuko rin si Lavenia. Nabatid na matagal ng may galit si Lavenia kay Ma-el dahil pinahiya siya nito nang minsang sumakay siya nang walang pamasahe at nakiusap sa naturang konduktor.

Sa ngayon ay nakakulong na si Lavenia at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso. Samantala, ligtas naman ang iba pang mga pasahero na naging hostage ni Lavenia.

Isa na namang motorsiklo, tinangay ng mga kawatan sa Kabacan

Maging ang mga otoridad ay aminado sa iba’t-ibang modus ng mga magnanakaw ng motorsiklo na di umano mababantayan ng mga may ari ng sasakyan na pinapasok ang kanilang bahay na para bang hinihipnutismo ang binibiktima nila.

Bagama’t isolated naman ang kaso ng nakawan ng motorsiklo sa bayan ng Kabacan, ayon sa intelligence report karamihan umano sa mga grupo ng sindikatong ito ay buhat sa bayan ng Pikit.

Kahapon, biktima ng nasabing nakawan na naman ng motorsiklo si Felipe Alabag Quilas Jr., 42, may asawa at isang magsasaka at residente ng Osias, Kabacan, Cotabato makaraang matangay ng mga di pa nakilalang mga salarin ang kulay pula nitong Honda XRM na may plate number MQ-2470.

Ang nasabing sasakyan ay nakagarahe sa kanilang balcony na nasa loob ng kanilang bahay.

Batay sa imbestigasyon pinasok umano ng mga magnanakaw ang kanyang bahay sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod at pwersahang kinuha ang nasabing motorsiklo habang mahimbing namang natutulog ang mga ito.

Sinira umano ng mga suspek ang padlock na nakatali sa nasabing sasakyan.
Sinira din nila ang padlock ng gate ng bahay ni Quilas para gawing exit point.
Naganap umano ang insedente mula alas 2-4 ng madaling araw.


Motibo sa pamamaril sa isang Security guard ng USM, patuloy pang inaalam

Blanko pa rin ang mga otoridad sa kung anu ang motibo sa pamamaril sa isang 58-anyos na Security guard ng USM alas 11:45 ng gabi nitong Lunes na naganap partikular sa USM Transport Service Unit.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Romeo Valenton, 58 taong gulang, may asawa at residente ng Sinamar 1, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP na pinangunahan ni PSI Jubernadin Panes, ang Deputy Chief of Police ng Kabacan MPS na habang nasa duty ang biktima sa USM Transport Service Unit na nasa loob ng USM Compound ay binaril ito ng mga di pa nakilalang salarin gamit ang di pa  matukoy na uri ng armas.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa USM Hospital para malapatan ng karampatang lunas subalit sa di kalaunan ay dinala na rin ito sa Kidapawan Doctor Hospital para sa kanyang operasyon.

Batay sa report, bago pa man umano nabaril ang biktima ay nakarinig ito ng ingay sa likurang bahagi ng USM transport service dahilan kung bakit nito nilapitan.

Nang siyasatin ni Valenton ang lugar gamit ang kanyang flashlight, doon at nakarinig ito ng umalingawngaw na tunog ng baril mula sa di malamang lokasyon.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa tiyan.

Sa ngayon nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

Driver at conductor ng Weena Bus, patay; sa isang shooting at hostage incident sa Pigkawayan, Cotabato
Patay on the spot ang conductor ng Weena Bus kasama ang driver nito makaraang pagbabarilin ng isang hold-aper alas 7:00 kagabi sa may Brgy. Manuangan, Pigcawayan, Cotabato, 30 minuto bago makarating sa Lungsod ng Cotabato.

Kinilala ni Sr. Supt. Cornelio Salinas, ang Provincial Director ng North Cotabato PNP, ang driver na si Boboy Valdeviezo at ang conductor nito na nakilala sa pangalang Bael, tubong Bansalan, Davao Del Sur.

Habang kinilala naman ni Salinas ang suspek na si Melpo Dasmarinas Lavina, 46, residente ng Poblacion-3, Midsayap, Cotabato at dating brgy Tanod ng nabanggit na lugar. Nabatid na ang nasabing sasakyan ay last trip galing ng Davao City papunta ng Cotabato city.

Sa report sumakay umano sa Weena Bus Aircon Unit na may plate number MVV 364 sa Highway ng Midsayap ang suspek, subalit pag dating sa nabanggit na lugar ay nagdeklara ito ng hold-up. Nang marinig ng driver ang putok sa loob ng bus, agad nitong pinahinto ang sasakyan at sinubukang pahupain ang suspek subalit di ito nag paawat.

Pinatahimik ng suspek ang driver sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo na siyang ikinamatay ng biktima, kasama conductor nito., doon na at nahulog sa daan ang nasabing Bus.

Matapos ang shooting incident, hinostage pa ng suspek ang mga estudyanteng nakilalang sina Myra Myca  at Apple Dequito Sinarimbo.

Subalit isa sa mga pasahero ng sasakyan ang agad na humingi ng tulong sa mga otoridad.  Matapos ang ilang minute at dumating naman ang mga rumispondeng  mga pulis na nagging dahilan naman ng pagsuko ng suspek at pagkaka-aresto nito.

Sinabi ngayong umaga ni PSSUPT Salinas na ang suspek ay nasa kustodiya na ng Pigcawayan PNP habang inihahanda na ngayong araw ang kasong kakaharapin nito.(Rhoderick Beñez)

Vice Mayor ng Maguindanao at 5 iba pa sugatan sa aksidente sa boundary ng Kabacan at Matalam

Isang vehicular accident ang naganap sa National Highway partikular sa Brgy. Katidtuan ilang metro lamang ang layo mula sa boundary ng Kabacan at Matalam noong umaga ng Sabado.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan Traffic Police, lumalabas na habang binabaybay ng isang Suzuki Multi-cab ang rutang mula sa Cotabato papuntang Davao na direksiyon ng ito ay aksidenteng mabangga ng rumaragasang KIA Van mula rin sa kaparehong direksiyon.

Ang nasabing multicab ay minamaneho ni Jessie Perez, nasa tamang edad at residente ng Upper Paatan ng bayang ito habang sakay naman sa KIA Van ang vice Mayor ng Noro, Upi, Maguindanao.

Dahil sa lakas ng impact sugatan ang driver ng Kia Van at mga pasahero nitong nakilalang sina Mila Platon, Romeo Ninte, Charito Montaniel at Ariel Layson lahat residente ng Upi, Maguindanao kasama na si Vice Mayor Alexis Platon ng Noro, Upi Maguindanao at ang driver ng nasabing multicab na mabilis namang isinugod sa Kabacan Medical Specialist.

Nagtamo naman ng kasiraan ang dalawang mga sasakyan na patuloy pang iniimbestigahan ng Kabacan Traffic Police, ayon sa report P02 Jeryl Vegafria. (Rhoderick Beñez)

Mahigit 20 na mga mag-aaral  ng USM dumalo sa katatapos na National Convention ng Philippine Association of Campus Students and Advisers sa Baguio city

Dinaluhan ng mga presidente at opisyales ng iba’t-ibang societies, organization, at local government unit ng lahat ng unibersidad sa bansa ang Philippine Association of Campus Student and Advisers o PACSA na ginanap sa Teachers Camp, Baguio City noong nakaraang Nobyembre 26-29 taong kasalukuyan.

Iilan sa programang tinalakay sa nasabing convention ay ang Relationship between Adviser and Students at Green Peace. Layunin nito na mahasa ang kakayahan at abilidad ng isang studyante na mamuno kasama ng kanilang taga-payo.

Kasama si Office of the Student Affairs o OSA Director Dr. Carlito Maarat, kabilang din ang iilang mga organisasyon dito sa University Of Southern Mindanao o USM ang lumahok at naging partisipante sa nasabing seminar gaya ng Philippine Society and Agricultural Engineers o PSAE, Society of Hotel and Restaurant Progress o SHARP, Future Elementary Educators Society o FEES, Philippine Institute of Civil Engineers’ at isang society na mula sa College of Agriculture.

Samantala sa iba pang mga balita, balak ngayon ng Nestle Philippines, Inc., na magtayo ng buying station ng kape sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
        
Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Trade and Industry Director Nelly Dillera, interesado ang Nestle na lalo pa sila’ng mapalapit sa mga magsasaka ng kape, lalo na sa bahagi’ng ito ngMindanao.

Ginawa ng Nestle ang pahayag sa katatapos lang na 1st Region 12 Coffee Congress na ginawa sa bayan ng Isulan, ang capital ngS ultan Kudarat. Sinabi ni Dillera na hindi lang access sa market ang magiging hatid ng pagtatayo ng coffee buying station sa lalawigan, kundi magreresulta din ito ng ibayong pag-unlad ng teknolohiya sa larangan ng agrikultura – mula pagtatanim hanggang sa anihan ng kape.  


Diumano’y mababang pondo na inilaan ng Pamahalaang Nasyunal sa edukasyon, mariing kinondena ng mga militante at progresibong Kabataan sa Kabacan

Mariing kinondena ng mga progresibo at militanteng grupo ng kabataan ang aprubadong P1.816 trilyong pambansang pondo para sa taong 2012.

Pormal na inaprubahan ng senado ang panukalang pondo nitong ika 29 ng Nobyembre, base sa ulat ng bicameral na komite, Itinalagang P22.09 bilyon ang pondong inilaan para sa mga State Universities and Colleges o SUC’s.

Kaugnay nito, ikinadismaya ng mga militante at progresibong grupo na ang pangkasalukuyang badyet diumano ay nagbibigay lamang ng P6.55 na alokasyon bawat estudyante.

Ito’y taliwas umano sa Article XIV Sec. 5 na nagsasabing dapat ibigay ng pamahalaan ang pinakamataas na prayoridad sa edukasyon sang-ayon sa rekomendasyon ng UNESCO na 6% ng Gross Domestic Product (GDP) ay dapat mapunta sa pondong pang-edukasyon.

Ayon kay Sir Stephen Maverick Cruda ng College Editors Guild of the Philippines Greater Cotabato, hindi diumano makatwiran ang pag-apruba ng kongreso sa inilaang badyet para sa edukasyon sapagkat ito’y nagiging komersyal hinggil sa panukala ng rehimeng Aquino na maging self-reliant di umano ang mga SUC’s at umasa na lamang sa mangilan-ngilang income generating projects (IGP).

Aniya, direktang apektado nito ang mga estudyante dahil mapipilitang magtaas ng mga bayarin ang mga pampublikong pamantasan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangang pang-imprastraktura at kagamitang panglaboratoryo at dahil dito, libo-libong estudyante ang hindi na makakapasok pa sa paaralan.

Iginiit rin ni Leah Joy Pasion, ng League of Filipino Students (LFS) Kabacan na hindi pinapakinggan ng kasalukuyang rehimen ang hinaing ng mga estudyante ukol sa suliraning pang-edukasyon na kung kaya’t maglulunsad rin sila ng serye ng pagkilos upang maiparating ang kanilang mga hinaing sa gobyerno.