Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Motibo sa pamamaril sa isang Security guard ng USM, patuloy pang inaalam

Blanko pa rin ang mga otoridad sa kung anu ang motibo sa pamamaril sa isang 58-anyos na Security guard ng USM alas 11:45 ng gabi nitong Lunes na naganap partikular sa USM Transport Service Unit.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Romeo Valenton, 58 taong gulang, may asawa at residente ng Sinamar 1, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Kabacan PNP na pinangunahan ni PSI Jubernadin Panes, ang Deputy Chief of Police ng Kabacan MPS na habang nasa duty ang biktima sa USM Transport Service Unit na nasa loob ng USM Compound ay binaril ito ng mga di pa nakilalang salarin gamit ang di pa  matukoy na uri ng armas.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa USM Hospital para malapatan ng karampatang lunas subalit sa di kalaunan ay dinala na rin ito sa Kidapawan Doctor Hospital para sa kanyang operasyon.

Batay sa report, bago pa man umano nabaril ang biktima ay nakarinig ito ng ingay sa likurang bahagi ng USM transport service dahilan kung bakit nito nilapitan.

Nang siyasatin ni Valenton ang lugar gamit ang kanyang flashlight, doon at nakarinig ito ng umalingawngaw na tunog ng baril mula sa di malamang lokasyon.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa tiyan.

Sa ngayon nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento