Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ground breaking ng Cloning Center sa University of Southern Mindanao; Isinagawa


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 30, 2012) ---Isinagawa kamakalawa sa loob ng University of Southern Mindanao Main Campus ang ground breaking ceremony ng cloning center ng University of Southern Mindanao.

Ayon kay College of Education Dean Dr. Adeflor Garcia ang nasabing cloning center sa Pamantasan ay bahagi ng National Greening program ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Mga seguridad sa kapaskuhan sa probinsiya ng North cotabato inilatag na ng CPPO


(Amas, Kidapawan City/ November 29, 2012) ---Ikinasa na ng Cotabato Police Provincial Office ang kanilang tinatawag na Police visibility at Police Integretad Patrol System ilang araw bago ang nalalapit na kapaskuhan. 
                                                                                                        
Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Police Senior Supt. Roque Alcantara matapos ang isinagawa nilang Provincial Peace and Council meeting kamakawala.

NPA at Militar nagkasagupa sa Magpet, North Cotabato


(Magpet, North cotabato/November 28, 2012) ---Abot sa mahigit sa 50 mga residente ng isang brgy sa bayan ng Magpet, North Cotabato ang nagsilikas matapos na madamay sa sagupaan ng rebeldeng grupo na pinaniniwalaang New People’s Army o NPA ng ng military kahapon.
                                            
Sinabi ni Sr. Insp. Sunny Leoncito, hepe ng Magpet PNP na nagsimula ang labanan alas 9:00 ng umaga kahapon sa Purok -6, Sitio Tanay in Barangay Doles, Magpet.     

Iba’t-ibang mga aktibidad para sa 60th Founding anniversary at 14th Panagyaman Festival ng Poblacion, Kabacan; nakahanda na


(Kabacan, North Cotabato/November 27, 2012) ---Puspusan na ang paghahanda ngayon ng pamunuan ng Brgy. Poblacion dito sa bayan ng Kabacan sa pagbubukas ng Brgy. Poblacion fiesta bukas.

Ito ayon kay Brgy. Kagawad Edna “Nanay’ Macaya sa panayam ng DXVL News ngayong hapon kung saan may mga nakahanda na silang programa para sa 60th Founding Anniversary ng Poblacion at 14th Panagyaman Festival 2012.

Nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement, hinimay-himay sa pagbubukas ng Mindanao Week of Peace sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2012) ----Suportado ngayon ng iba’t-ibang sektor sa bayan ng Kabacan ang nilalaman ng Framework Agreement na binalangkas ng GPH-MILF matapos itong lagdaan noong buwan ng Oktubre.

Bagama’t may agam agam ang ilan sa nasabing Formula ng Kapayapaan, pinawi naman ni MILF Central Committee Prof. Raby Angkal, ang pangamba ng publiko hinggil sa nasabing usapin partikular na ang mga taga-Mindanao.

Usapin hinggil sa Bangmoro Framework Agreement itatampok sa Mindanao Week of Peace na magsisimula na ngayong araw sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2012) ---Iba’t-ibang sector at iba’t-ibang organisasyon ang lalahok sa pagsisimula ng Mindanao week of Peace dito sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Coordinator ng Peace and Advocay at K5 President  James Anton Molina sa panayam ng DXVL News ngayong umaga, magsisimula ang aktibidad sa isang peace parade buhat sa Municipal Plaza ng bayan ng Kabacan at ang programa ay gagawin ditto sa USM gymnasium.

2 graduates ng USM pasok sa top 5 sa katatapos na Licensure Examination for Teachers o LET


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2012) ---Dalawang graduates ng University of Southern Mindanao ang nasa top 2 at top 5 sa katatapos na Licensure Examination for Teachers o LET sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commision o PRC.

Ang eksaminasyon ay isinagawa sa 22 mga testing centersa buong bansa  noong buwan ng Setyembre.

Abot sa 25,136 na mga bagong elementary teachers ang pumasa mula sa 50,997 na kumuha ng eksaminasyon o katumbas ng (49.29%) habang 20,834 naman ang nakapasa bilang mga bagong secondary teachers mula sa 47,892 examinees o (43.50%).

Mga Arresting Police Personnel sa North Cotabato, dapat sumailalim sa Chain of Custody Rule training


(Amas, Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Nais ngayon ni Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Roque Alcantara na isasailalim sa isang pagsasanay ang mga arresting police personnel hinggil sa kung papaanu ang tamang pag-preserba ng mga ebedensiyang nahuli nila mula sa mga nagtutulak at gumagamit ng illegal na droga, partikular na ang shabu.

Ito ang naging reaksiyon ng opisyal matapos na marami sa mga kaso hinggil sa paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang na dismiss dahil sa hindi pagsunod sa chain of custody rule.

“Pagbabalik loob sa Panginoon, disiplina sa sarili” ayon sa isang preso na nakalaya sa pamamagitan ng Justice On Wheels


(Amas, Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ngayon ng isa sa mga preso na pinalaya sa pamamagitan ng Justice On Wheels sa isinagawang pagdinig kaninang umaga kasabay ng inilunsad na Enhanced Justice On Wheels na kauna-unahan sa probinsiya ng North Cotabato na isinagawa sa loob mismo ng Bus, na may court room.

Ito ang ibinunyag ni Ariel Suguilion, 32-anyos, residente ng Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato kungsaan nabilanggo siya ng siyam na taon, walong buwan at 16 na araw matapos na maharap sa kasong frustrated murder.

Justice on Wheels ng DOJ, gumulong na sa probinsiya sa North Cotabato; 79 na mga detainees sumailalim sa speedy hearing


(Amas, Kidapawan City/ November 26, 2012) ---Pormal ng umusad ngayong araw ang Enhanced Justice on Wheels sa probinsiya ng North Cotabato makaraang pormal itong inilunsad kaninang umaga sa Covered court ng Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang nasabing hakbang ay kauna-unahan sa probinsiya ng North Cotabato at Masaya ang gobernadora sa naging hakbang ng Regional Trial Court dahil na rin sa malaking tulong ito para sa congestion ng BJMP North Cotabato District Jail.