(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 30,
2012) ---Isinagawa kamakalawa sa loob ng University of Southern Mindanao Main
Campus ang ground breaking ceremony ng cloning center ng University of Southern
Mindanao.
Ayon kay College of Education Dean Dr.
Adeflor Garcia ang nasabing cloning center sa Pamantasan ay bahagi ng National
Greening program ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.
Ilalagay ang Cloning center sa isang malawak
na erya sa harap ng ULS sa loob ng Campus kungsaan doon din ginawa ang ground
breaking ceremony na dinaluhan ng OIC Regional Executive Director ng Department
of Environment and Natural Resources o DENR 12 Hon. Datu Tungo M. Siako; DENR
assistant Secretary for Field operations Hon. Martial C Amano, Jr. at ibang mga
key officials ng USM.
Ayon sa dekana, abot sa P3.5M ang inilaang
pondo sa nasabing programa na naglalayong matugunan ang problema sa pagkakalbo
sa kagubatan.
Bukod dito, hindi lamang nakatutok ang
proyekto sa mga hard trees kundi pati na rin sa mga productive crops kagaya ng
planting materials na kanilang itatanim: Rubber, coffe, oil palm at iba pa.
Sa ngayon pinamumunuan ni Project Program
team leader USM Pres. Jesus Antonio Derije ang program kasama na ditto ang
pamunuan ng College of Agriculture at ilang mga key officials ng USM.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento