Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga seguridad sa kapaskuhan sa probinsiya ng North cotabato inilatag na ng CPPO


(Amas, Kidapawan City/ November 29, 2012) ---Ikinasa na ng Cotabato Police Provincial Office ang kanilang tinatawag na Police visibility at Police Integretad Patrol System ilang araw bago ang nalalapit na kapaskuhan. 
                                                                                                        
Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Police Senior Supt. Roque Alcantara matapos ang isinagawa nilang Provincial Peace and Council meeting kamakawala.

Aniya, mapayapa at tahimik naman ang kabuuan ng probinsiya ng North Cotabato makaraang inalerto na ngayon ang mga himpilan ng pulisya para masawata ang anumang krimen sa lugar. 
                                                                    
Sinabi ni Alcantara na todo bantay na rin ang kanilang check point, beat patrol at iba pa sa buong probinsiya ng North Cotabato bago magpasko at sa araw ng kapaskuhan hanggang sa pagsalubong ng bagong taon.      
                                
Bagama’t aminado ang opisyal na tumataas ang bilang ng nakawan partikular na ang nakawan ng motorsiklo, pinawi naman nito ang pngamba ng publiko na palagian namang nagpapatupad ng visibility ang pulisya. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento