(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2012) ---Dalawang
graduates ng University of Southern Mindanao ang nasa top 2 at top 5 sa
katatapos na Licensure Examination for Teachers o LET sa inilabas na resulta ng
Professional Regulation Commision o PRC.
Ang eksaminasyon ay isinagawa sa 22 mga testing centersa
buong bansa noong buwan ng Setyembre.
Abot sa 25,136 na mga bagong elementary teachers ang pumasa
mula sa 50,997 na kumuha ng eksaminasyon o katumbas ng (49.29%) habang 20,834
naman ang nakapasa bilang mga bagong secondary teachers mula sa 47,892
examinees o (43.50%).
Ayon kay College of Education Dean Dr. Lawrence Tandog, ang
Bachelor of Secondary Education passing rate ay 43.50% kungsaan mas mataas ang
USM na may 69.23% first time takers at sa Bachelor of Elementary Education na
may Nat’l Passing rate na 49.29% kungsaan 60.47% ang USM mas mataas sa National
Passing rate mula sa mga 1st timers takers.
Samantala nasa top 2 ang USM sa Elementary exams for
Professional Teachers sa katauhan ni Margielyn Eunice Dorcas Peñalosa Mama na
naka kuha ng score na 88.0 at top 5 naman sa Secondary exams si Regin Nagle
Manamba na nakakuha ng 88.20 na score.
Lahat ngmga pumasa at mga nasa top na mga graduates ng USM ay
nag review sa USM Review Center na pinamumunuan ni USMRC Manager Dr. Anita
Tacardon.
Malaking karangalan naman ang dinala ng dalawang mga
mag-aaral ng USM sa pamantasan partikular na sa College of Education. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento