Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tangkang pagpuga ni Lastikman, napigilan

(Maguindanao/ January 4, 2015) --- Napigilan ang sana’y pagtakas ang isang High Risk Criminal sa bilangguan ng Maguindanao Provincial Jail.

Ayon kay Maguindanao Provincial Jail Warden Armando Baguamama na ilang flat at round bars na ang naputol sa pamamagitan ng paglagare sa selda 6.

Kinilala ang  high risk detainee na si Datukan Sama alyas Commander Lastikman, 49-anyos, nahaharap sa kasong multiple murder,  frustrated multiple murder, kidnapping at carnapping sa Maguindanao at North Cotabato.

Mister binoga

(South Cotabato/ January 4, 2015) ---Dead-on-the-spot ang isang lalaki makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa tahanan nito sa Purok Bonifacio, Bario 5, Banga, South Cotabato kahapon.

Kinilala ni PO3 Chrislino Arang, ng Banga PNP,  ang biktima na si Dave Lemuel Leonida Mendiola, 26, binata at residente ng lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, kumakain umano ito sa loob ng kanilang tahanan  ng dumating ang dalawang suspek na nakasakay ng kulay asul na motorsiklo na walang plate number.

Rape Suspek sa Matalam, North Cotabato; arestado!

(North Cotabato/ January 4, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng otoridad ang isang tatay na responsable sa panggagahasa sa mismong anak nitong 10-anyos sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group-North Cotabato habang pauwi sa bahay nito sa Sitio Buguak, Brgy. Kibia, Matalam, North Cotabato alas 2:45 ng hapon kahapon.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Jimmy Cañedo Herbolingo, 37-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Committee Report ng BBL, isasapinal na sa Pebrero

(North Cotabato/ January 3, 2015) ---Inaasahang isasapinal na ang committee report kaugnay sa proposed Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Pebrero.

Ito ang pangako ng lider ng House of Representatives matapos tanggalin ang unconstitutional provisions sa nasabing panukalang batas.

Matapos na maisapinal agad na isusunod nila ang deliberasyon sa unang linggo ng Marso para mapirmahan ito ng Pangulong Aquino sa Marso 30.

Inihayag ito ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, chairman ng ad hoc committee na sa ngayon, nasa 34 public hearings na ang isinagawa ng ad hoc panel, na kinabibilangan ng 75 mambabatas.

Army Detachment sinalakay; 1 sundalo bulagta; 3 sugatan

(North Cotabato/ January 3, 2015) ---Bulagta ang isang kasapi ng militar habang tatlong iba pa ang sugatan makaraang salakayin ng mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang detachment ng mga sundalo sa bayan ng President Quirino, Sultan Kudarat kagabi.

Kinilala ni 6th ID Spokesperson Army Capt Joan Petinglay ang nasawing sundalo na si Corporal Daniel T Valenzuela II habang sugatan naman sina Private First Class Gerry Gorgonio, Private First Class Bryan Baylon, Private First Class Joel Abellar.

Kasapi ng abu, dumarami

(North Cotabato/ January 3, 2015) ---TUMAAS ang bilang ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group sa taong 2014.

Ito ang kinumpirma ni AFP Public affairs Chief Lt. Col. Harold Cabunoc.

Sinabi ni Cabunoc na base sa kanilang datos, umabot sa 423 ang bilang ng mga ASG noong nakalipas na taon, kumpara sa 385 na bilang noong 2013 at 398 na miyembro noong 2012.

Misis, utas sa lasing na Mister

(Maguindanao/ January 3, 2015) ---Kalaboso ang isang mister makaraang inundayan ng saksak ang mismong Misis nito sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Sa report ng Parang PNP Kinilala ang biktima na si Hermilinda Manggubat, 50 anyos habang ang suspek na mister nito na si Apolinario Tonatos, 50 anyos.

Lumalabas sa inisyal na pagsisisysat ng mga kapulisan na nakainum na ang mag asawa ng magkasagutan hanggang sa humantong sa pananaksak kungsaan nagtamo ng saksak ang biktima sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.

3 biktima ng stray bullet sa SOCSKSARGEN –DOH 12

(North Cotabato/ January 2, 2015) ---Tatlo ang naiulat na biktima ng stray Bullet mula sa Cotabato City, North Cotabato at Saranggani Province.

Ito ayon kay Department Of Health Regional Director Dr. Teogenes Baluma na isa sa biktima nito ay isang tatlong taong gulang na bata na natamaan ng ligaw na bala sa kanyang kaliwang mata sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.

DOH 12, ikinadismaya ang mataas na bilang ng mga biktima ng paputok

(North Cotabato/ January 2, 2015) ---Sa kabila ng kampanya ng Department of Health o DOH 12 ng iwas paputok sa pagsalubong ng bagong taon, mas mataas naman ang nabiktima nito ngayong pagpasok ng 2015.

Ayon kay Department Of Health Regional Director Dr. Teogenes Baluma umabot na sa 93 cases ang nabitkima ng paputok sa rehiyon sa pagsalubong ng bagong taon, sa ginawang monitoring ng ahensya hanggang alas sais ngayong umaga.

Sinabi ni Baluma na mas mataas ng 50 percent ang bilang ng mga biktima ng fire cracker ngayon taon kumpara noong 2013.

2 patay, 34 sugatan sa pagsabog sa Mlang, Cotabato; Gov. Lala kinondena ang nasabing bombing

(Mlang, North Cotabato/ January 2, 2015) ---Agad na kinondena ni Cotabato Governor Emmylou”Lala” TaliÅ„o Mendoza ang panibago na namang pagpapasabog sa bayan ng Mlang alas 3:40 ng hapon sa bisperas ng pagsalubong ng bagong taon.

Sa isang kalatas na ipinarating ng opisyal tinawag nitong “act of barbarism” ang naturang pagpapasabog kasabay ng pag-aatas nito sa Pamahalaang Lokal ng Mlang at ng mga kapulisan na gawin ang lahat para tiyakin ang kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Nakaw na motorsiklo, narekober ng Task Force Pikit

(Pikit, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Narekober ng Task Force Pikit ang isang nakaw na motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Inug-og, Pikit, North Cotabato alas 5:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, ang Commanding Officer ng TF Pikit na habang nagsasagawa ng highway check ang mga elemento ng Pikit PNP ng kanilang pinara ang dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Pagsalubong ng Bagong taon sa bayan ng Kabacan, Generally Peaceful! Zero case sa Fire Cracker Incident

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2015) ---Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong ng bagong taon at pagdiriwang ng kapaskuhan sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni PCI Ernor Melgarejo, ang hepe ng Kabacan PNP.

Ito matapos na inilagay sa heightened alert ng Kabacan PNP ang antas ng kanilang seguridad.

Isang istasyon ng Radyo sa Cotabato city OFF Air matapos tamaan ng ligaw na bala

(Cotabato City/ January 2, 2015) ---Pansamantalang hindi muna mapapakinggan sa ere ang istasyon ng 89.3 Brigada News FM sa Cotabato city makaraang tamaan ng ligaw na bala nitong gabi ng bisperas ng pagsalubong ng bagong taon.

Sa impormasyong mula kay Dennis Arcon ang News reporter ng nasabing himpilan, tinamaan umano ng bala ng kalibre .45 na pistol ang kanilang mixer dahilan kung bakit napahinto ang operasyon ng nasabing istasyon.