Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tangkang pagpuga ni Lastikman, napigilan

(Maguindanao/ January 4, 2015) --- Napigilan ang sana’y pagtakas ang isang High Risk Criminal sa bilangguan ng Maguindanao Provincial Jail.

Ayon kay Maguindanao Provincial Jail Warden Armando Baguamama na ilang flat at round bars na ang naputol sa pamamagitan ng paglagare sa selda 6.

Kinilala ang  high risk detainee na si Datukan Sama alyas Commander Lastikman, 49-anyos, nahaharap sa kasong multiple murder,  frustrated multiple murder, kidnapping at carnapping sa Maguindanao at North Cotabato.

Ayon sa report, napansin ng mga jailguard  nitong Biyernes ng umaga ang bakas ng lagare sa rehas ng selda ni Commander Lastikman sa nasabing piitan na mata­tagpuan sa PC Hill, Brgy. Rosary Heights 1 ng lungsod ng Cotabato.

Isa ring inabandonang motorsiklo ang nakita ng mga imbestigador sa tapat ng detention cell ng nasa­bing high risk detainee na hinihinalang siyang gaga­mitin nito sa nabigong pagpuga nito.

Si Commander Lastikman ay nakakulong sa nasabing piitan kasama ang  28 pang mga inmates.

Nakumpiska rin sa loob ng piitan ni Lastikman ang isang plastic sachet ng shabu, lagare at patalim.

Sa tala si Lastikman ay nasakote sa Pikit, North Cotabato at naditine sa Kidapawan City Jail bago ito inilipat ng piitan sa Midsayap, North Cotabato kung saan humantong ito sa Maguindanao jail pero nakapuga  noong 2013.

Noong Hulyo 2013 ay muling nasakote si Lastikman sa operasyon sa checkpoint ng pulisya sa Tacurong City, Sultan Kudarat at muling ibinalik sa Maguindanao jail noong Mayo 2, 2014.

Kasalukuyang naka bartolina rin si Lastikman kasama ang dalawang iba pa habang patuloy na inaayos ang mga naputol na bakal. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento