Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang istasyon ng Radyo sa Cotabato city OFF Air matapos tamaan ng ligaw na bala

(Cotabato City/ January 2, 2015) ---Pansamantalang hindi muna mapapakinggan sa ere ang istasyon ng 89.3 Brigada News FM sa Cotabato city makaraang tamaan ng ligaw na bala nitong gabi ng bisperas ng pagsalubong ng bagong taon.

Sa impormasyong mula kay Dennis Arcon ang News reporter ng nasabing himpilan, tinamaan umano ng bala ng kalibre .45 na pistol ang kanilang mixer dahilan kung bakit napahinto ang operasyon ng nasabing istasyon.

Hindi ito ang unang insidente ng stray bullet na tumama sa kanilang himplan, noong nakaraang pagsalubong ng bagong taon, timaan din ng ligaw na bala ang kanilang istasyon.


Pinaiimbestigahan naman ni Station Manager Popoy Formento sa kapulisan ang nasabing insidente na nangyari sa kanilang himpilan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento