(Maguindanao/ January 3, 2015) ---Kalaboso
ang isang mister makaraang inundayan ng saksak ang mismong Misis nito sa Brgy.
Sarmiento, Parang, Maguindanao.
Sa report ng Parang PNP Kinilala ang biktima
na si Hermilinda Manggubat, 50 anyos habang ang suspek na mister nito na si
Apolinario Tonatos, 50 anyos.
Lumalabas sa inisyal na pagsisisysat ng mga
kapulisan na nakainum na ang mag asawa ng magkasagutan hanggang sa humantong sa
pananaksak kungsaan nagtamo ng saksak ang biktima sa kanyang dibdib dahilan ng
kanyang kamatayan.
Patuloy pa ngayon ang ginagwang
imbestigasyon ng mga otoridad. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento