(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2015)
---Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong ng bagong taon at
pagdiriwang ng kapaskuhan sa bayan ng Kabacan.
Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni PCI
Ernor Melgarejo, ang hepe ng Kabacan PNP.
Ito matapos na inilagay sa heightened alert
ng Kabacan PNP ang antas ng kanilang seguridad.
Bagama’t may nangyaring shooting incident sa
Lower Paatan noong gabi ng bisperas sa pagsalubong ng bagong taon, maikonsidera
namang isolated case ang nasabing pamamaril.
Ayon kay PCI Melgarejo, pinasok umano ng mga
di pa nakilalang mga suspek ang bahay ng biktima at pinagbabaril, hindi naman
napuruhan ang biktima na kinilalang si Renerio Yago, isang magsasaka at
residente ng nasabing lugar na ngayon ay patuloy na nagpapagamot sa isang
ospital.
Patuloy naman ang kanilang isinasagawang
police visibility, pagpapatrolya at foot patrol sa mga matataong lugar sa
Kabacan.
Paalala naman ng pulisya na panatilihing
naka-alerto at vigilante at agad na ireport sa kanila ang mga napapansing
kaduda dudang tao at bagay sa inyung paligid.
Samantala, masayang ibinalita ni Health
Emergency and Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ng RHU
Kabacan na nakapagtala ang bayan ng Kabacan ng Zero Fire Cracker Incident
ngayong taon.
Kumpara noong nakaraang taon na may tatlong
biktima ng paputok na karamihan at mga bata at dahil yan sa piccolo. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento