Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pampasaherong Van sumalpok sa puno; 9 patay

Photo: SPO2 Froilan Gravidez, Matalam PNP
(Matalam, North Cotabato/ October 3, 2015) ---Nasa siyam katao na ang naiulat na namatay habang tatlo naman ang sugatan makaraang maaksidente sa daan ang sinasakyan nilang pampasaherong Van sa Matalam-Kidapawan highway partikular sa West Patadon, Matalam North Cotabato pasado alas 2:45 ng madaling araw kanina.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ngayong umaga kay PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP kinilala nito ang mga nasawi na on-the-spot na sina: Nor Asan, 28-anyos, residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan; Lyle Rudolf Octaviano, isang Nurse, 28-anyos, Aleosan, North Cotabto; Juliet dela Torre Debarusan, 46-anyos, Boulevard, Davao city; Michael Akmad, 15, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao at Oting Ayob, 46-anyos, residente ng Poblacion, Parang, Maguindanao habang tatlong iba pa ang di nakilala.

Bangkay ng Indian National na natagpuan sa Matalam, North Cotabato; kinilala na!

(Matalam, North Cotabato/ October 2, 2015) ---Kinilala na ng mga kasama nito ang bangkay ng lalaking Indian National na natagpuan sa isang lugar sa Purok 5, Brgy. Manubuan, Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PCI Elias Diosma Colonia, kinilala ang biktima na si Ranjit Singh Brar, 27-anyos, walang asawa at isang private lender/ collector at residente ng Purok 9, Brgy. Sudapin, Kidapawan City.

PNP Carmen, blanko pa sa pagbaril patay sa isang Tricycle Driver

(Carmen, North Cotabato/ October 1, 2015) ---Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding tandem criminals sa Datu Dima Street, Poblacion, Carmen, North Cotabato alas dos ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktima na si Orlando Mantawil, 42 anyos, na taga Brgy Manarapan, Carmen.

Batay sa ulat habang ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo at bumaba ay bigla na lamang itong dinikitan ng dalawang suspek na sakay rin ng motorsiklo at agad na pinagbabaril.

Planung Pagpapatayo ng EDC ng ikatlong Geothermal Power Plant, nais alamin ng SP Kidapawan

(Kidapawan city/ October 1, 2015) ---Pinabubusisi ng isang lokal na mambabatas sa Kidapawan City ang planung pagpapatayo ng Geothermal Power Plant 3 ng Energy Development Corporation o EDC sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Councilor Lauro Taynan dapat payagan sila ng EDC na makapagbisita sa lugar para makapagsagawa ng site visit.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ang umuugong na balita na nagbutas na ng ikatlong geothermal well ang EDC para sa Mindanao Geothermal Power Plant 3.

Market Value ng lahat ng mga Real Properties sa North Cotabato, magtataas sa 2016

(Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2015) ---Aasahan ang pagtaas ng mga real properties sa lalawigan ng North Cotabato sa taong 2016.
Ito ang sinabi ni Kabacan Municipal Assessor Magdiolena Esteban sa panayam ng DXVL News kahapon.

Ang nasabing pagtaas ay batay sa ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato na inaprubahan ni Gov. Lala Taliño Mendoza nito pang October 13, 2014.

Sa bayan ng Kabacan, ang residential rate ay tataas sa P900.00/Sq.M. sa susunod na taon mula sa kasalukuyan nitong presyo na P430.00/Sq.M.
Ang Commercial rate naman ay magtataas sa P1,200/Sq.M. mula sa dating presyo nito noong 2010 na P780.00/Sq.M., ayon kay Assessor Esteban.

Korina Sanchez, mistulang ikinampanya si Mar Roxas

(Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2015) ---Mistulang ikinampanya ni Miss Korina Sanchez ang asawa nitong si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas sa huling mensahe ng kanyang pananalita bilang panauhing tagapagsalita sa 63rd Founding Anniversary ng USM, ngayong tanghali.

Sa pagpasok pa lamang ng Broadcast-Journalist sa USM gymnasium ay di magkamayaw ang mga estudyante, faculty and staff ng USM sa pagdating nito.

Naging mainit ang pagtanggap ng USM constituents sa nasabing mamamahayag.

Kanya ding sinabi na tatlong anniversary ang kanyang ipinagdiwang ngayong araw na ito at isa na dito ang anibersaryo ng kanyang Magazine Show na ‘Rated K’.

Dr. Tagaro, muling naihalal bilang USMAA President

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Muling nailuklok sa ikalawang pagkakataon bilang Presidente ng USM Alumni Association si Graduate School Dean Dr. Consuelo Tagaro sa isinagawang election sa ULS Convention Center, kanina.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia kung saan bumuhos ang suporta ng mga alumni kay Dr. Tagaro.

Si Dr. Tagaro ay uupo bilang isa sa mga Board of Regent ng USM at kakatawanin ang Alumni Association sa kanyang ikalawang termino.

Mahigit 100 mga sasakyan, nahuli sa isinagawang lambat bitag sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Nasa 140 na mga sasakyan karamihan mga motorsiklo ang nahuli at na-impound sa isinagawang ‘Oplan Lambat bitag’ ng mga kapulisan sa mga panagunahing lansangan sa bayan ng Kabacan, kanina.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP nahuli ang nasabing mga sasakyan dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Korina Sanchez, panauhing pandangal sa 63rd Founding Anniversary ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Ang batikang mamamahayag ng ABS-CBN na si Miss Korina Sanchez ang magiging panauhing pandangal para sa 63rd Founding Anniversary ng Pamantasan ng Katimungang Mindanao, bukas.
Ito ang sinabi sa DXVL news ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia upang makasalamuha ng may bahay ni Presidentiable Mar Roxas ang mga constituents ng USM.

Alas 6:00 bukas ng umaga ay magkaroon ng Floral Offering sa bantayog ni Bai Fatima Matabay Plang, ang founder ng USM at parade susundan naman ng foundation anniversary program alas 8:00 ng umaga na isasagawa sa USM gymnasium.

6 na tulak droga, sinalakay sa drug raid; P.8M na halaga ng mga shabu, nasamsam

(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng mga naarestong notoryos na mga tulak droga makaraang salakayin ng mga elemento ng Cotabato Police Provincial Office ang limang mga kabahayan na sinasabing drug den sa magkahiwalay na lugar ng Lapu-Lapu St., Purok Krislam, Poblacion at Galas Subdivision, Brgy. Kayaga bayan ng Kabacan, North Cotabato alas 4:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni P/SSupt. Alexander Tagum, CPPO Provincial Director ang mga nahuli na sina Badrudin Gonsang, Fatima Encarnacion alias Babo Oding, Edgar Macabuat Gonsang, Arnold ‘Nold’ Gonsang at ang kanilang runner na si Eddie Flores Tuan habang nakatakas naman si  Allan Esma Alias Allan Odag matapos na matunugan ang nasabing operasyon.

2 tulak droga, huli sa drug buy bust operation ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015) ---Arestado ang dalawa katao sa isinagawang buy bust operation ng Kabacan PNP sa bahagi ng Mantawil St., Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato mag-aalas 4:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina John Pex Puti Takulang ‘alias’ Alimudin, 29-anyos, may asawa at tricycle drayber habang huli din si Ariel Mamaril Gaspar, 34-anyos, magsasaka residente ng Tomas Claudio St., kapwa sa nabanggit na lugar.

Farmer’s Field day, isinasagawa sa USMARC ngayong araw

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 29, 2015) ---Iba’t-ibang mga teknolohiya buhat sa University of Southern Mindanao Agricultural Research Center o USMARC ang ipipresinta sa mga magsasakang dadalo sa gagawing Farmer’s Field Day ngayong araw.
Ayon kay USMARC Director Dr. Romulo Cena, inimbitahan nila ang lahat ng mga magsasaka sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang alkalde na dumalo sa nasabing aktibidad.

Sinabi sa DXVL News ni Dr. Cena na ang nasabing Farmer’s Field day sa USMARC ngayong araw ay bahagi ng 63rd Founding Anniversary ng Pamantasan.

Carnapper, timbog ng Esperanza PNP; suspek isang menor de edad

(Esperanza, Sultan Kudarat/ September 29, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang menor de edad na suspek na responsable sa pangangarnap ng motorsiklo sa bahagi ng Purok riverside, Brgy. New Panay, Esperanza, Sultan Kudarat alas 6:30 ng umaga nitong linggo.

Kinilala ni PSI Tirso Pascual, ang OIC ng Esperanza PNP ang biktima na si Rico Delos Reyes Biñas, residente ng Purok Malipayon ng nasabing lugar.

Batay sa ulat tinangay ng suspek ang isang Kawasaki Bajaj 100CT kulay itim na may plakang 7205-MG noong gabi ng Sabado.

3 patay sa bumaliktad na truck sa Lebak, Sultan Kudarat

(Sultan Kudarat/ September 29, 2015) ---Tatlo-katao ang magkakasunod na sinalubong ni kamatayan habang siyam naman ang nasugatan makaraang bumaliktad ang dump truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Pansod, bayan ng Lebak sa Sultan Kudarat noong Sabado ng hapon.

Patay matapos mabagsakan ng kargamentong rounbars ang tatlong biktima na sina Artemio Buscato Campong ng Brgy. Pinaring; Jojo Digos, 48; at si Dodong Garcia, 53.

Manicurista, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ September 29, 2015) ---Patay ang isang 33-anyos na manicurista makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Purok Krislam, Mantawil St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Analyn Degobaton Varona, 33-anyos at residente ng Brgy. 7, Bual, Midsayap, North Cotabato.

Malaking papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa pag-cover ng mga balita sa conflict affected area sa Central Mindanao, tinalakay sa ICRC Media Workshop

(Cotabato City/ September 28, 2015) ---Binigyang diin sa isinagawang workshop ng International Committee of the Red Cross o ICRC ang malaking papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa pag-cover ng mga balita lalo na sa mga conflict affected area sa Central Mindanao.

Ginawa ang workshop sa Estosan Hotel sa Cotabato City nitong Sabado.

Carnapper na natimbog sa Kabacan, Cotabato; kinasuhan na!

(Kabacan, North Cotabato/ September 28, 2015) ---Kinasuhan na ng Makilala PNP ang carnapper na nahuli ng mga otoridad sa inilatag na checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at ng Highway Patrol Group sa National Highway, Brgy. Katidtuan, Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, ang pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang suspek na si Jethro Paul Anwar Barimbad, 33-anyos, walang trabaho at residente ng Digos City, Davao del Sur.

Pasiklaban 2015, pormal ng nagsimula sa pamamagitan ng mahaba at maingay na ‘Torch Parade’

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 28, 2015) ---Kagaya ng inaasahan naging makulay, maingay at mahaba ang ‘torch Parade’ kagabi bilang hudyat ng pagsisimula ng Pasiklaban 2015 sa University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.

Dinagsa rin ng maraming tao ang bawat kalye na dinaanan ng parada upang matunghayan ang iba’t-ibang mga customs at pakulo ng bawat organisasyon lalo na ng mga fraternity at sorority kungsaan panay ang sigawan ng mga ito habang dumadaan sa mga pangunahing kalye ng Poblacion.