(Sultan Kudarat/ September 29, 2015) ---Tatlo-katao
ang magkakasunod na sinalubong ni kamatayan habang siyam naman ang nasugatan
makaraang bumaliktad ang dump truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Pansod,
bayan ng Lebak sa Sultan Kudarat noong Sabado ng hapon.
Patay matapos mabagsakan ng kargamentong
rounbars ang tatlong biktima na sina Artemio Buscato Campong ng Brgy. Pinaring;
Jojo Digos, 48; at si Dodong Garcia, 53.
Sugatan naman ang drier ng truck na si
Balabagan Abas at walong iba pa na naisugod sa ospital.
Ayon kay SPO2 Erwin Dable, patungong
Barangay Kinuladan ang dump truck na may plakang MJE 494 nang biglang mawalan
ng preno kaya naisalpok ng driver sa gilid ng bundok saka bumaliktad.
Nabagsakan ng kargamentong bakal ang mga
biktima kung saan tatlo kaagad ang namatay habang pinag-aaralan ng pulisya ang
pananagutan ng may-ari ng truck na White Yang Construction ni Engr. Abdulnaser
Usman. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento