Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Korina Sanchez, mistulang ikinampanya si Mar Roxas

(Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2015) ---Mistulang ikinampanya ni Miss Korina Sanchez ang asawa nitong si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas sa huling mensahe ng kanyang pananalita bilang panauhing tagapagsalita sa 63rd Founding Anniversary ng USM, ngayong tanghali.

Sa pagpasok pa lamang ng Broadcast-Journalist sa USM gymnasium ay di magkamayaw ang mga estudyante, faculty and staff ng USM sa pagdating nito.

Naging mainit ang pagtanggap ng USM constituents sa nasabing mamamahayag.

Kanya ding sinabi na tatlong anniversary ang kanyang ipinagdiwang ngayong araw na ito at isa na dito ang anibersaryo ng kanyang Magazine Show na ‘Rated K’.

Sinabi nitong laking hirap din siya at marami ding naranasang kabiguan sa buhay.

Pero dahil sa kanyang pagsisikap, pagiging masipag at pagpupunyagi unti-unti niyang natupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Binigyang diin din nito ang limang bagay upang matamo ang tagumpay sa buhay.

Una ay ang pagsunod at pag-alaga sa mga magulang, tiwala sa sarili, Mangarap at planuhin ang mga pangarap, ang pagiging masipag kungsaan mas daig nito ang matalino at pang lima ay ang magdasal.

Malaki ang paniniwala ng opisyal na kapag nanalangin ang isang tao at sinasabayan ng sipag at pagsisikap ay kayang-akayang maabot ang sarili.

Mas mainam daw na pagtuunan ng pansin ang mga positibong bagay o ang ‘power of positive attraction’.

Sa huling bahagi ng kanyang pananalita, kanyang ibinunyag ang mga magagandang katangian ni dating DILG Sec Mar Roxas, kungsaan ayon sa ilan, ito na ay ang maagang pangangampanya nito.


Iniwan din nito ang apat na katangian ng drayber na magpapatakbo ng bayan: 1. Ang may karanasan pero sira ang reputasyon 2. Nag-aaral pa lang magmaneho 3. Matapang na Drayber at pang-apat may karanasan at may malinis na record sa NBI. DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento