(Kabacan, North Cotabato/ September 30, 2015)
---Nasa 140 na mga sasakyan karamihan mga motorsiklo ang nahuli at na-impound
sa isinagawang ‘Oplan Lambat bitag’ ng mga kapulisan sa mga panagunahing
lansangan sa bayan ng Kabacan, kanina.
Ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan
PNP nahuli ang nasabing mga sasakyan dahil sa paglabag sa batas trapiko.
Agad namang dinala sa Municipal Plaza ang
nasabing mga sasakyan at nabigyan ng ticket at citations batay naman sa
kanilang paglabag.
Karamihan sa mga nilabag ng mga ito ay ang
kawalan ng driver’s license, walang OR/CR, expired ang permit, walang helmet,
walang palte number at walang lisensiya.
Sa nasabing bilang nasa 10 na lamang ang
hindi na claim sa himpilan ng pulisya at inaalam ng mga ito kung sangkot sa
kaso ng carnapping ang nasabing mga sasakyan.
Sinabi ni Cordero na ang nasabing programa
ay bahagi din ng kanilang pinalakas na kampanya laban sa anti-carnapping. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento