Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Planung Pagpapatayo ng EDC ng ikatlong Geothermal Power Plant, nais alamin ng SP Kidapawan

(Kidapawan city/ October 1, 2015) ---Pinabubusisi ng isang lokal na mambabatas sa Kidapawan City ang planung pagpapatayo ng Geothermal Power Plant 3 ng Energy Development Corporation o EDC sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay Councilor Lauro Taynan dapat payagan sila ng EDC na makapagbisita sa lugar para makapagsagawa ng site visit.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos ang umuugong na balita na nagbutas na ng ikatlong geothermal well ang EDC para sa Mindanao Geothermal Power Plant 3.

Nagbabala ang Chair ng Committee on Energy na kapag totoo ang digging sa lugar may kakaharaping paglabag sa kasunduan at batas na kinikilala ng Pilipinas ang nasabing Independent Power Producer.

Wala pang pahayag ang EDC hinggil dito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento