(Cotabato City/ September 28, 2015) ---Binigyang
diin sa isinagawang workshop ng International Committee of the Red Cross o ICRC
ang malaking papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa pag-cover ng mga
balita lalo na sa mga conflict affected area sa Central Mindanao.
Ginawa ang workshop sa Estosan Hotel sa
Cotabato City nitong Sabado.
Ayon kay Center for Community Journalism and
Development focal person Red Batario na iba’t-ibang mga hamon ngayon ang
hinaharap ng mamamahayag sa pagkuha ng mga balita at impormasyon.
Inisa-isa din sa workshop ang mga best
practices na ginagawa ng mga journalist maliban pa sa mga challenges sa
kanilang trabaho.
Kaugnay nito, ipinaliwanag din sa nasabing
workshop ang papel na ginagampanan ng ICRC sa panahon ng giyera.
Patuloy na pinaninindigan ng ICRC ang
pagiging neutral ng kanilang organisasyon, ito ayon kay Cotabato ICRC Head
Sabine Gralla.
Sa panahon ng kalamidad at digmaan
nananatiling independent ang ICRC sa pagkuha ng sarili nilang data kungsaan
pumunta sila sa lugar upang beripikahin ang impormasiyon ang ilang mga data na
kanilang nakuha, dagdag pa ni ICRC Communication Officer Allison Lopez.
Highlight naman sa nasabing workshop ang
pagtalakay ng pagkakaiba at ang kaugnayan ng International Humanitarian Law o
IHL at ang Human Rights na ipinaliwanag ni ICRC Protection delegate Nishat
Nishat.
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga mamahayag
mula sa broadcast, print at online news. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento