Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Market Value ng lahat ng mga Real Properties sa North Cotabato, magtataas sa 2016

(Kabacan, North Cotabato/ October 1, 2015) ---Aasahan ang pagtaas ng mga real properties sa lalawigan ng North Cotabato sa taong 2016.
Ito ang sinabi ni Kabacan Municipal Assessor Magdiolena Esteban sa panayam ng DXVL News kahapon.

Ang nasabing pagtaas ay batay sa ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato na inaprubahan ni Gov. Lala Taliño Mendoza nito pang October 13, 2014.

Sa bayan ng Kabacan, ang residential rate ay tataas sa P900.00/Sq.M. sa susunod na taon mula sa kasalukuyan nitong presyo na P430.00/Sq.M.
Ang Commercial rate naman ay magtataas sa P1,200/Sq.M. mula sa dating presyo nito noong 2010 na P780.00/Sq.M., ayon kay Assessor Esteban.

Kaugnay nito, nasa 1% pa rin ang ipapataw nilang buwis at 1% rin ang kukunin para sa Special Education Fund na mapupunta sa mga paaralan.

Dagdag pa ni Municipal Assessor Esteban na sa kabuuang babayarang buwis buhat sa mga real property tax ay 40% ang mapupunta sa Munisipyo, 35% sa Province habang 25% naman ang ireremit sa Barangay. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento