(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 29,
2015) ---Iba’t-ibang mga teknolohiya buhat sa University of Southern Mindanao
Agricultural Research Center o USMARC ang ipipresinta sa mga magsasakang dadalo
sa gagawing Farmer’s Field Day ngayong araw.
Ayon kay USMARC Director Dr. Romulo Cena,
inimbitahan nila ang lahat ng mga magsasaka sa lalawigan sa pamamagitan ng
kanilang alkalde na dumalo sa nasabing aktibidad.
Sinabi sa DXVL News ni Dr. Cena na ang
nasabing Farmer’s Field day sa USMARC ngayong araw ay bahagi ng 63rd
Founding Anniversary ng Pamantasan.
Ang USMARC-PICRI Farmer’s Field day and
Forum ay isasaga sa Agricultural Training Institute kungsaan magiging panauhing
pandangal sa nasabing programa si DA 12 Regional Executive Director Amalia
Jayag Datukan.
Bago ang forum ay isasagawa muna ang field
tour sa iba’t-ibang mga station: 1. Rubber Research, 2. Biotechnology, dragon
fruit, aerobic rice and Banana; 3. Goat research and halal goat, 4. Fruit Crop
Research, 5. Cacao Research, 6. Corn Research, 7. Oil Palm/ Peanut research, 8.
Herbs and spices production and processing at 9. Rice Production.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng Techno
Clinic kungsaan sasagutin ang bawat tanong ng mga magsasaka.
May mga libre ring seeds/seedling na
ipamimigay depende sa gagawing pakulo ng pamunuan ng USMARC. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento