Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pampasaherong Van sumalpok sa puno; 9 patay

Photo: SPO2 Froilan Gravidez, Matalam PNP
(Matalam, North Cotabato/ October 3, 2015) ---Nasa siyam katao na ang naiulat na namatay habang tatlo naman ang sugatan makaraang maaksidente sa daan ang sinasakyan nilang pampasaherong Van sa Matalam-Kidapawan highway partikular sa West Patadon, Matalam North Cotabato pasado alas 2:45 ng madaling araw kanina.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan ngayong umaga kay PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP kinilala nito ang mga nasawi na on-the-spot na sina: Nor Asan, 28-anyos, residente ng Plang Village, Poblacion, Kabacan; Lyle Rudolf Octaviano, isang Nurse, 28-anyos, Aleosan, North Cotabto; Juliet dela Torre Debarusan, 46-anyos, Boulevard, Davao city; Michael Akmad, 15, Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao at Oting Ayob, 46-anyos, residente ng Poblacion, Parang, Maguindanao habang tatlong iba pa ang di nakilala.

Namatay naman habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital (CPH), Amas, Kidapawan City si Haydee Maaya Gobatan, 55-anyos residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Patuloy namang ginagamot ngayon sa CPH sina Solidad Echevarria, 55-anyos, Dualing, Aleosan, North Cotabato at Eljane Varona, 41-anyos, Sadaan bayan ng Midsayap.
Habang inilipat naman sa Regional Hospital sa Cotabato city si Amel Debarusan, 23-anyos ng Boulevard, Davao City.

Ayon sa report, galing ng Davao City ang Toyota Hi Ace Van na kulay puti at may license LHM 995 lulan ang may 17 mga pasahero.

First trip buhat sa Davao city ang nasabing sasakyan bandang alas 12 kanina at bumaba naman sa Kidapawan City ang tatlo sa mga pasahero.

Napag-alaman na posible umanong nakatulog ang drayber kaya nabangga ito sa isang puno pagdating sa West Patadon, ayon kay Colonia.  

Agad namang sumuko ang konduktor sa himpilan ng Matalam PNP at kinilala ang drayber na si Glendo Singco ng Purok Bangkal, Brgy. Ladtingan, Pikit, Cotabato na mabilis na tumakas pagkatapos ng insidente.

Wasak naman ng Van na ngayon ay nasa National Highway.

Sinabi ng pulisya na nagtamo ng sugat ang drayber kaya kanila ng nilibot ang mga bahay pagamutan sa Matalam, Kabacan at Pikit baka nagpagamot ito.

Kakasuhan ang drayber ng reckless imprudence resulting to homicide sakali mang maaresto ito.

Nanawagan naman ang Matalam PNP sa publiko na kung may miyembro ng pamilya na hindi pa naka-uwi, makipag-ugnayan sa funeral Parlor sa Matalam para sa posibleng pagkakakilanlan ng tatlo pang mga biktima. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento