Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Carnapper na natimbog sa Kabacan, Cotabato; kinasuhan na!

(Kabacan, North Cotabato/ September 28, 2015) ---Kinasuhan na ng Makilala PNP ang carnapper na nahuli ng mga otoridad sa inilatag na checkpoint ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at ng Highway Patrol Group sa National Highway, Brgy. Katidtuan, Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, ang pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang suspek na si Jethro Paul Anwar Barimbad, 33-anyos, walang trabaho at residente ng Digos City, Davao del Sur.

Nahuli ang suspek makaraang makapag-timbre ng report ang Makilala PNP na may natangay ng motorsiko sa kanilang lugar.

sa pangunguna ni Mayor Herlo Guzman Jr., kasama ang mga kapulisan at ng HPG kanilang ikinasa ang dragnet operation.

Kaya pagdaan ng suspek sa highway ng Katidtuan doon na nasakote ang suspek.

Ayon kay P/Insp. Maxim Peralta, ang Operation head ng Kabacan PNP na tinangay ng suspek ang motorsiklo ng biktimang si Miko Lauron, 31-anyos ng Brgy. Saguing, Makilala.

Ipinarada lamang ni Lauron ang kanyang motorsiklo na may plakang 8542 JJ sa harap ng Makilala Central Elementary School ng nakawin ng suspek.


Agad namang naiturn-over ng Kabacan PNP sa may ari ang nasabing sasakyan habang ikinulong naman sa Makilala PNP lock up cell ang suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento