Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Military outpost sa North Cotabato; sinunog ng mga armadong NPA

(Makilala, North Cotabato/February 4, 2012) ---Sinunog ng umano mga miyembro ng New Peoples’ Army (NPA) ang outpost ng 57thInfantry Battalion sa may Purok-6, Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato kagabi.

Ayon kay Lt. Manuel Gatus, spokesperson ng 57th IB, walang mga sundalo na naroon sa erya nang masunog ang outpost na nagsisilbing detachment rin ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT ng Barangay Batasan.

Noon pang nakaraang Miyerkules bumaba mula sa Purok-6 patungo ng sentro ng barangay ang mga sundalo nila.

Wala namang mga nadamay na bahay sa sunog, ayon sa ilang mga residente sa lugar.

Ang outpost ay halos ilang metro din ang layo mula sa mga bahay ng mga sibilyan.

Pero sinabi ni Gatus na itatayo pa rin ng mga residente sa lugar ang kampo ng BPAT at ng 57th IB sa pamamagitan ng bayanihan.

Mananatili, aniya, sa lugar ang mga sundalo hangga’t kailangan sila ng mga sibilyan bilang proteksyon kontra sa mga rebeldeng NPA.


1M halaga ng ari-arian; naabo sa Kidapawan City

Written by: Rhoderick Beñez

(Kidapawan City/February 4, 2012) ---Naabo ang bahay na pag-aari ng isang empleyado ng Kidapawan city government na nasa brgy. Ginatilan, Kidapawan City ala 1:30 kahapon ng hapon.

Abot sa isang milyon ang halaga ng mga gamit na tinupok ng apoy na pag-mamay-ari ni Nieves Barreto-Vegafria.

Batay sa report, nagsimula umano ang sunog sa kwarto ng may-ari at agad kumalat sa iba pang bahagi ng bahay.

Naka-kandado ang bahay ni Vegafria kaya nahirapan ang mga kapitbahay nito isalba ang kanyang mga gamit.

Nag-bayanihan din ang mga ito para ‘di kumalat sa iba pang mga bahay ang apoy.   
Ngunit, tangi’ng ang refrigerator lamang ng biktima ang naisalba.

Halos isang oras din ang hinintay ng mga residente sa lugar bago nakapagresponde ang firetruck ng City Fire Department.

Isang eskwelahan sa North Cotabato, sinunog ng mga armadong grupo

(Pikit, North Cotabato/February 4, 2012) ---Sinunog ng mga ‘di kilalang armadong lalaki ang library ng Gocotan Elementary School sa Barangay Gocotan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, alas-7:30 kagabi.

Ayon sa report ng Pikit PNP, wala naman umanong may nasugatan sa nasabing panununog.

Di rin kumalat sa mga katabi’ng kwarto ng eskwelahan ang apoy.

Di pa batid ng Pikit PNP ang motibo at ang grupo na responsable sa panununog.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasunog ang naturang eskwelahan.

Noong 2010, sinunog rin ng mga armadong Moro ang buong eskwelahan habang nasa kalagitnaan pa lamang ng school year noon.

Ipinatayo ito’ng muli ng Pikit LGU, sa tulong ng Cotabato provincial government at ng Engineering Battalion ng Philippine Army, noon ding 2010. 


Magnanakaw tiklo sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/February 4, 2012) ---- Kalabuso ngayon sa Carmen lock up cell ang isang Johny Mansinaging makaraang masangkot sa isang robbery sa brgy Aroman, Carmen, Cotabato dakong alas 9:30 kagabi.

Ayon sa report ni P/Insp Jordine Maribojo, hepe ng Carmen PNP nilooban umano ni Mansinaging, residente rin ng naturang brgy ang isang grocery store ni Ginang Tesy Acon at nilimas ang iba’t-ibang mga grocery items at iba pang mga personal na gamit ng biktima.

Sinira umano ng biktima ang bubong ng bahay ni Acon upang gawing entrance point.

Mabilis namang rumisponde ang mga elemento ng PNP sa pangunguna ni PO3 Melvin Milanes kasama si Brgy kagawad Marcy Rizaldo dahilan ng pagkaka-aresto sa biktima.

Narekober sa biktima ang ilang grocery items, mga damit, kitchen utensils at perang nagkakahalaga ng 5 thousand pesos. 

Nasampahan na din ng kasong robbery ang suspek at kasalukuyan ng nasa kostudiya ng Carmen MPS. (Rhoderick Beñez)




(update) 2 lalaki patay sa nangyaring pamamaril sa Kabacan, Cotabato; kagabi

(Kabacan, North Cotabato/January 3, 2012) ---Patay on-the-spot ang dalawa katao makaraang pagbabarilin ng ‘di kilalang gunman sa highway ng Kabacan, N Cotabato, alas-1020 kagabi.

Mga riding-in-tandem ang sangkot sa pamamaril sa may kanto ng Tomas Claudio Street at Tandang Sora Street sa Purok Chrislam sa Kabacan.

Kinilala ni Supt. Joseph Semilllano, mhepe ng Kabacan PNP, ang mga biktima na sina Andrew Caumbo ng Barangay Tunggol, Kabacan; at isang  umano kaanak ng mga Montawal sa Montawal, Maguindanao.

Sakay umano ng itim na Yamaha DT 125 na motorsiklo ang dalawa nang pagbabarilin ng mga suspect, gamit ang kalibre .45 na pistol.

Ang mga suspect ay lulan ng Honda XRM na motorsiklo na walang plaka na mabilis na tumakas pagkatapos ng pamamaril.
      
Mabilis na isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital ang mga biktima, subalit idineklarang dead on arrival ang isa sa mga ito.

Si Caumbo ay nasawi habang ginagamot sa ospital. Sa ngayon, inatasan na ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya sa magsagawa ng manhunt operation para sa ikadarakip ng mga responsible.

Ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril na naitala sa bayan ngayong taon. (Rhoderick Beñez)


Granada sumabog sa Kabacan, Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 3, 2012) ----Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagsabog ng granada sa may residente ng Vallejos compound, Lower Paatan, Kabacan, Cotabato dakong alas 9:45 kagabi.

Ayon kay brgy kagawad Marodjin Bautista, 35, walang asawa at residente ng nabanggit na lugar, nabigla na lamang umano sila ng sumambulat ang malakas na pagsabog sa kanilang brgy.

Kaya agad nitong inireport kaninang umaga sa Kabacan PNP ang nasabing pangyayari dala pa ang ilang mga parte ng sumabog na Granada.

Di rin mabatid pa ng mga otoridad kung anu ang motibo ng nasabing pagpapasabog.

Walk for Peace; isasagawa sa araw ng mga Puso; taong bayan may bahagi sa pagmintina ng kapayapaan sa bayan

Written by: Rhoderick Beñez


(Kabacan, North Cotabato/February 3, 2012) ---Hinikayat ngayon ng ilang mga matataas na opisyal sa bayan ng Kabacan ang mamamayan nito na makiisa sa gagawing walk for peace sa araw mismo ng mga puso ngayong Pebrero a-katorse.

MPOC Meeting
Layon nito na pag-isahin ang lahat ng sektor hindi lamang dito sa bayan ng Kabacan kundi ito ay hudya’t lamang ng pagsisimula ng nasabing programa upang makamit ang kapayapaan sa bahaging ito ng Mindanao.

Batay sa report, ilan kasing mga pambobomba ang nangyari sa bayan nitong nakaraang taon.

P/SSupt. Cornelio Salinas
Kaya naman sa kanyang mensahe kahapon sa Peace and Order Council Meeting sinabi ni Cotabato Police Provincial Director Cornelio Salinas na sa dalawang taon nito bilang mataas na opisyal sa hanay ng PNP, masakit ang loob nito na nagiging okay na lamang umano sa mga mamamayan ng Kabacan ang mga nangyayaring karasahan sa lugar.

Dahil kapag may mga kahalintulad na insedente agad umanong sinisisi ang mga opisyal ng bayan, pulisya at militar.

Kaugnay nito, hinamon ni Salinas ang publiko na maging bahagi ng pagbabago na siya ring binigyang diin nito na mensahe ni Mahatma Gandi, isang lider ng India.

Naniniwala kasi, ang opisyal na ang taong bayan pa rin ang makapagpapahinto ng karahasan sa bayan ng Kabacan.

Sa panig naman ni Cotabato Provincial tourism Council at dating konsehal ng bayan ng Kabacan Jabib Guiabar, sinabi nito na ang bayan ng Kabacan ay isang progresibo at patuloy na lumalago dahil sa mga pumapasok na mga investors sa bayan dahil naniniwala ang mga negosyante sa kakayahan ng punong ehekutibo ng bayan na si Kabacan Mayor George Tan.

Mayor George Tan
Iginiit pa ng opisyal na ang mga nangyayaring krimen sa bayan ay hindi mga tubong Kabacan ang gumagawa kundi mga galing sa ibang lugar ngunit dito lamang umano ginagawa sa Kabacan.


Tinukoy pa nito na ang mga nangyayaring pambobomba ay politically motivated at hindi lahat ay kagagawan ng bangsamoro.

Gayunpaman, sinabi ng tourism officer na ang mga Kabakeños ay nagmamahalan.

Sinabi ni MPOC Secretary Ana Ligaya Manangquil na ang nasabing Municipal Peace and Order council Meeting ay quarterly na isinasagawa upang mapag-usapan ang status ng Peace and Order sa bayan.

Kahapon dinaluhan ito ng mga brgy Kapitan, opisyal ng bayan sa pangunguna ni Kabacan Mayor George Tan, heads of offices ng LGU, mga deans at director mula sa academe ng USM, USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije, VPAA Dr. Antonio Tacardon at marami pang iba.

Seguridad sa isang brgy sa Kabacan; pinaigting dahil sa serye ngnakawan ng mga alagang hayop

Written by: Rhoderick Beñez

Dinoble na ngayon ng mga otoridad ang seguridad sa barangay Malanduague, Kabacan, Cotabato, matapos nakawin ng sabay-sabay ang tatlong inahing baka at isang batang baka na pagmamay-ari ni Orlando Accad at isang kalabaw ni Jimmy Beda kamakalawa.

Ayon sa report, nabatid na itinali lamang umano ni Accad sa likod ng kanilang bahay ang nasabing hayop ng balikan nito kinaumagahan ay laking gulat nitong wala na ang
Kinalagan umano ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang kanyang alagang hayop at dinala sa isang masukal na lugar sa brgy Malanduage.

Ito rin ang nangyari sa alagang hayop na kalabaw ni Beda.

Kaya naman naghigpit na ng seguridad ang mga opisyal doon makaraang nauuso na naman ang nakawan ng alagang hayop. (with report from Brex Nicolas)

Mga kandidata sa Mutya ng Kidapawan 2012, pormal ng ipinakilala sa publiko

(Kidapawan City/February 3, 2012) ----Sa pamamagitan ng isang press conference, pormal ng ipinakilala sa publiko ang labing tatlong mga kandidata para sa Mutya ng Kidapawan 2012 bilang bahagi ng kapistahan na may temang: Huwarang pamamahala, tiwala at gantimpala.

Kahapon isinagawa ang conference sa SP session hall kung saan direkta at tuwirang sinagot ng mga kandidata ang bawat katanungan ng mga kagawad ng media mula sa radio, tv at print.

Ilan sa mga maiinit na isyu ang naging sentro ng katanungan tulad ng impeachment kay Chief Justice Renato Corona, mga kalamidad na tumama sa bansang Pilipinas,  problema na kinasasangkutan ng maraming mga kabataan at maraming iba pa.

Ang mga kandidata na magpapatagisan ng galing at talino ay sina Flora Mae Navalta, Devie Alejandro, Lovely Carias, Jenny Ann Maghari, Jemina Niogan, Jovie Dela Cruz, Kimberly Mamburam, Mary Joy Espino, Jenny Sacayanan, Jean Clare Costoy, Shiela Mae Agoot, Mary Angelie Cadiz, at Frevi Cris Bangcas.

Samantala, kaninang alas otso ng umaga ay ginawa sa Kidapawan City National High School ang Information, Education Campaign o IEC patunkol sa Anti Smoking Ordinance na kung saan mas hihigpitan pa ang implementasyon nito dito sa lungsod ng Kidapawan.

Ayon kay Psalmer Bernalte-ang City Information Officer ang labing tatlong mga kandidata ay magiging miyembro ang Speakers Bureau na syang magbibigay ng lecture sa masamang epekto ng paninigarilyo lalaong lalo na sa kalusugan ng tao.
Inaasahan na kung sino man ang makokoronahan bilang Mutya ng Kidapawan ay magiging modelo at ehemplo ng maraming kabataan at mamamayan ditto sa lungsod ng Kidapawan at sa mga kalapit lugar.   

Nagpapataya ng illegal numbers, huli sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/February 3, 2012) ---Nahuli ng mga otoridad sa aktong nagpapataya ng illegal numbers na mas kilala sa tawag na last two ang isang Jomarie Castro, kamakalawa sa Brgy. Linao, Matalam, Cotabato.

Si Castro ay natiklo mismo ng mga otoridad habang nagsasagawa ito ng nasabing Gawain habang nagpapatrolya at pagroronda ang mga otoridad.

Kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling ang kakaharapin ng suspetsado.

Nakuha mula kay Castro ang mga ginagamit nito sa nasabing illegal gambling kagaya ng: ballpen, tally sheet, at resibo na naglalaman ng mga taya na nagkakahalaga ng P390.00.

Agad namang inilagay pansamantal sa kustodiya ng Matalam PNP ang nasabing lalaki.

1 patay habang isa pa kritikal sa nangyaring pamamaril sa Purok Crislam, Kabacan; Kagabi

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 3, 2012) ----Dead on the spot ang isang biktima habang kritikal naman ang isa pang kasamahan nito ng pagbabarilin ng mga riding in tandem sa Corner ng Tomas Claudio St. at Tandang Sora St., Purok Chrislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:22 kagabi.

Ayon kay P/Supt Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP nabatid na sakay ang dalawang mga di pa nakilalang mga biktima sa kanilang kulay itim na Yamaha DT 125 habang naghihintay sa nabanggit na lugar ng sila ay pagbabarilin gamit ang kalibre .45 na pistol batay sa mga empty shell na narekober ng mga pulisiya sa crime scene.

Sakay ang mga suspeck sa Honda XRM, na mabilis namang tumakas papalayo sa di pa malamang direksiyon.

Mabilis namang isinugod sa Kabacan Polymedic Hospital ang mga biktima subalit ideneklara namang dead on the spot ng mga attending physician ang isa sa mga ito.

Sa ngayon, inatasan na ni Kabacan Mayor George Tan ang mga pulisya sa magsagawa ng manhunt operation para sa ikadarakip ng mga responsible.

Ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril na naitala sa bayan ngayong taon.

12-anyos na bata mula sa M’lang, North Cotabato; nanganak

Written by: Rhoderick Beñez

(M’lang, North Cotabato/February 3, 2012) ---Isang labindalawang taong gulang pa lamang na bata ang nanganak kagabi sa M’lang doctor’s hospital sa bayan ng M’lang, North Cotabato.

Ayon kay Doctor Prescilo Ingkong, isinailalim sa caesarian operation ang bata dahil sa delikadong nitong kondisyon.

Bagama’t nasa maselan ang kalagayan nito sa pagbubuntis sinabi naman ni Dr. Ingkong na normal namang isinilang ng pinakabatang ina ang 2.5 kilo nitong anak kagabi.

Ang nasabing bata ay tubong pulang lupa sa nabanggit na bayan.

Kaugnay nito, kinilala ang naturang bata bilang pinakabatang ina sa lalawigan ng North Cotabato.
Una rito, na break ng nasabing ina ang pinakabata ring ina na taga Kabacan na nanganak sa murang edad na labin apat na taong gulang.

4 na mga suspected drug courier sa Kabacan, pinawalang sala ng hukom

(Kabacan, North Cotabato/February 2, 2012) ---Sa ikatlong pagkakataon, muli’ng ipinag-utos ng Regional Trial Court branch 22 sa bayan ng Kabacan na pakawalan ang mga suspected drug courier na nakulong matapos ang buy-bust raid.

Kamakailan, ipinag-utos ni RTC 22 Judge Laureano Alzate ang pagpapalaya sa apat na mga preso dahil sa umano paglabag sa ‘chain of custody rule’ ng mga umaresto sa kanila.

Di rin umano sumisipot sa mga pagdinig sa korte ang mga testigo ng PNP.

Ang mga pinakawalan ay sina Edgar Corpuz na hinuli noong Sep 15, 2003; Dodong Alon na nahuli noong June 4, 2004;  Lanie Alamada na hinulong noong Sep 10, 2005; at Ben Langayen Payo na hinuli noong July 27, 2006.

Lahat sila ay hinuli sa bayan ng Kabacan.

Nanguna sa paghuli sa mga ito ang Kabacan PNP at ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Judge Alzate ang mga pulis na sundin ang itinatakda ng batas, lalo na ang chain of custody rule at ang disposition of confiscated dangerous drugs para ‘di nasasayang ang kanilang pagod sa kanilang mga operasyon. (Rhoderick Beñez)


Bayanihan Forum ng 57th IB ng AFP tinuligsa ng grupo ng Kabataan!

Arakan, North Cotabato-  Mahigpit na kinondena ng mga progresibo at militanteng kabataan ang naganap na  forum sa Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa  Arakan Valley, North Cotabato na inorganisa ng 57th Infantry Battalion ng  Philippine Army. Tinawag itong “BAYANIHAN FORUM”, sa nasabing pagtitipon, direktang sinabi nang resource speaker na si  Col. Leopoldo Galon ng Philippine Army na mga “front” ng New Peoples Army ang grupo ng ANAKBAYAN, Kabataan Party, Gabriela Womens Party, ANAKPAWIS, Bayan Muna at ACT Teachers Party.

Ayon kay Jeffrey Cuyno, tagapagsalita ng ANAKBAYAN- Arakan  Chapter, “isa itong porma ng political harassment sa aming grupo at sa aming mga miyembro bilang isang lehitimong organisasyon. Bahagi ito ng implementasyon ng counter insurgency na  Oplan Bayanihan ng rehimeng Aquino na ang layunin ay patahimikin ang mga grupong kritikal sa kanyang mga anti-mamamayan na polisiya at programa”.

Dagdag pa ni Cuyno, “ tuwirang paglabag ito sa aming karapatan bilang mga mamamayan, desperadong hakbangin ito ng 57th IB dahil sa aming panawagan na paalisin na sila sa aming lugar dahil sa tuloy-tuloy ng mga paglabag sa karapatang pantao lalo na ang pagpatay kay Fr. Pops Tentorio ,  Ramon Batoy at iba pang sibilyan sa lugar .”

Sa nasabing forum nag-walk-out ang humigit kumulang isang libong estudyante bilang  protesta  sa pahayag ng resource speaker. Ayon din sa mga  estudyante ng CFCST, may mga pagkakataong nakikita nila ang mga miyembro ng militar na pumapasok sa kanilang campus na may mga bitbit na baril na  nagdudulot ng takot at pangamba  sa mga estudyante.

“ Nakakabahala ang pahayag ni Col. Galon.  Ang patuloy na pagdami ng  bilang ng biktima ng extra judicial killing sa bansa at ang pag implementa ng Oplan Bayanihan ay magdudulot ng matinding paglabag sa karapatang pantao. Ginagarantiya ng ating Saligang Batas ang ating karapatan sa pagbubuo ng organisasyon, asembliya at pamamahayag. Layunin nang aming grupo na ipaglaban ang karapatan ng kabataan at mamamayan sa trabaho, lupa at serbisyong panlipunan. Ang pagpapamulat, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kabataan at maging kritikal sa mga polisiya na anti-mamamayan ay patuloy naming isusulong at ipaglalaban “ pagtatapos ni  Cuyno

Sliced Lumbers mula sa Illegal Logging, kumpiskado ng mga otoridad sa magkahiwalay na brgy sa bayan ng Carmen

Written by: Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/February 2, 2012) ---- Muli na namang nakakumpiska ng mga abandonadong illegal sliced lumber mula sa iba’t-ibang laki at uri ng mga kahoy ang mga otoridad sa tatlong mga brgy. sa bayan ng Carmen, Cotabato.

Napag-alaman sa report ng Carmen PNP sa pamumuno ni P/Inps Jordine Maribojo, na abot sa mahigit kumulang sa isang libung board feet ng mga kahoy ang kanilang nakumpiska sa kanilang kampanya kontra illegal logging sa lugar.

Ang nasabing simultaneous drive laban illegal logging ay pinangunahan ng pinagsanib na elemento ng Carmen PNP sa pamumuno ni SPO4 Pancho Bais, Chief Intelligence Section, Bravo Company, 7IB PA at ilang mga Brgy. Officials sa pakikipagtulungan ng Local DENR office ng simultaneous drive kontra illegal logging sa ilang lugar sa Carmen, North Cotabato.

Kabilang sa mga lugar na kanilang ni-raid  ay ang Brgy. Ugalingan, Brgy. Malapag at purok tawan-tawan.

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang ilan pang mga illegal looging sa bayan habang patuloy pang inaalam kung sinu-snu ang nag-mamay-ari ng nasabing mga illegal sliced lumber.

Ang naturang forest products ay pansamantalang nakalagak sa Carmen Police Station para sa kaukulang aksyon. (with report from Neriza Espino)

P12M, inilaang pondo sa 2 brgy ng Kabacan na kasali sa PAMANA program ng gobyerno

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/February 2, 2012) ---Mabiyayaan ng proyektong imprastraktura ang dalawang barangay sa bayan ng Kabacan na dating apektado ng labanan ng armadong grupo mula sa Payapa at Masaganang Pamayanan o Pamana Project.

Ito ang napag-alaman mula kay MPDO Staff Harold Maganaka dela Serna kungsaan abot sa P12M ang ibibigay na pondo sa brgy. Nangaan at Pedtad kungsaan tig-aanim na Milyon ang bawat brgy.

Kabilang sa mga ipapatayo dito ay ang solar drier, warehouse at rice and corn mill na siyang priority project ng nasabing PAMANA program.

Bagama’t may kalakihan ang pondo, sinabi ni dela Serna na ang brgy na umano ang gagawa ng resolusyon kung anu ang magiging sunod na proyekto nila para makapagbigay ng tulong sa mga residente na dating mga Internally Displaced Person.

Prayoridad ng proyektong ito sa North Cotabato ay mga natukoy na pinaninirahan ng MILF at ng mga apektado ng nakaraang giyera.

Kabilang sa mga bayan na ito ay ang Pikit, Midsayap, Kabacan, Aleosan at Matalam.

Base sa MPDC na datos na nakalap ng Community Based Monitoring System ang brgy Nangaan ay may kabuuang pupolasyon na 2,302 noong 2009 habang may 2,002 naman ang brgy Pedtad ng kapareho ding taon.

Supplemental Philhealth, ikinakasa sa probinsya ng North Cotabato

Written by: Neriza Espino

(Kabacan, North Cotabato/February 2, 2012) ---- Inaanyayahan ang lahat ng mga mamamayan dito sa probinsya ng North Cotabato na mag-avail sa supplemental Philhealth o dating emergency philhealth.

Ayon kay Mr. Joseph Maganaka, CHIP and Philhealth Municipal Coordinator maaring tumungo saw along philheath accredited hospitals ditto sa lalawigan. Kasama dito ang
          Fr. Tulio Favali Municipal Hospital             sa Tulunan
          Dr. Amado Diaz Provincial Hospital  sa Midsayap
          Alamada Municipal Community Hosp         sa Alamada
          Aleosan District Hospital                         sa Aleosan
          Cotabato Provincial Hospital          sa Amas
          Mlang District Hospital                            sa Mlang
          Pres. Roxas Prov. Community Hospital      sa Pres. Roxas
          Arakan Valley Municipal Hospital               sa Arakan

Para naman sa emergency cases, maaaring magamit ang supplemental Philhealth o Emergency Philhealth sa Davao Medical Center, Cotabato Regional Hospital at Maramag District Hospital dahil sila ay mga affliated Hospitals.

Paalala pa ni Mr. Maganaka, magagamit lang umano ang supplemental Philhealth o Emergency Philhealth sa private hospitals sa mga emergency cases gaya ng vehicular accidents, bombing, stab wounds at iba pang kahalintulad na kaso.

Wanted na personahe, boluntaryong sumuko sa mga otoridad

(Makilala, North Cotabato/February 2, 2012) ---Personal na sumuko sa himpilan ng Makilala PNP ang isang abubakar Mamangcas dahil sa kasong frustrated murder may ilang taon na ang nakakalipas.

Bagama’t di mabatid ng mga pulisya kung anu ang totoong kaso ng nasabing suspetsado, agad naman siyang ikinulong sa Makilala Lock-up cell.

Kahapon ay pormal ng iti-nurn-over si Mamangcas dito sa Kabacan PNP dahil napag-alaman na residente pala ito ng Kabacan.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng mga pulisya ang kaso ni Mamangcas na diumano’y sangkot sa frustrated murder, ayon sa report.

Binatilyo, tiklo ng mga pulisya dahil sa pagnanakaw ng Kaplam, sa Matalam Cotabato

Written by: Neriza Espino

(Matalam/North Cotabato/February 2, 2012) ---Huli ang isang rubber taper na si Rolando Natino Mombay, 18, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy. Sta. Maria, Matalam, Cotabato makaraang napatunayang nagnakaw ng rubber Caplam sa mismong rubber plantation ng kaniyang lola.

Ayon kay Juvelyn Rerame Natino, nasa tamang edad at may asawa nadiskubrehan niyang nawawala ang kanilang rubber caplam kahapon, alas sais trenta ng umaga. Agad na tumungo si Juvelyn kay Paul Lowa, rubber Caplam buyer at nakumpirma nitong may isang Ernie Villanueva ang nagpabili ng 49 Kilo na caplam na nagkakahalaga ng 2,842.

Napag-alaman sa imbestigasyon na inuutusan umano ni Rolando Natino si Ernie upang ipabili ang nasabing Caplam.

Ayon sa imbestigasyon, sumuko naman ang suspek kay Brgy Captain Rolando Nuneza at maayos na naturn-over sa Matalam Police Station.

Kasalukuyang nakaditene ang suspek sa Matalam lock-up cell upang pag-aralan ang kasong isasampa sa kanya.

26th anniversary program ng USMARC at PICRI; gaganapin ngayong araw

Written by: Eliza Jane Amlon

(USM, Kabacan, Cotabato/February 2, 2012) ---Magsisimula ngayong araw, pebrero a-dos ang pagdiriwang ng ika dalawampu’t anim na anibersaryo ng University of Southern Mindanao Agricultural Research Center (USMARC) at ang ika dalawampu’t anim namang anibersaryo ng Philippine Industrial Crop Research Institute (PICRI) na may temang “strengthening partnership in resesearch development for sustainable agriculture”. Si Dr. Teodoro S. Solsoloy, Assistant Director ng Department of Agriculture, Bureau of Agriculutural Research ang magiging guest speaker sa nasabing pagdiriwang. 

Dadaluhan ito ng mga imbitadong bisita tulad ng director of DA Region 12, mga provincial agriculturist mula sa north cotabato at south cotabato, Municipal Mayor George B. Tan, Manager ng Platinum Rubber Plantation Jack Sandique.

Gaganapin mismo sa auditorium ng USMARC ang nasabing pagdiriwang. Magsisimula ito alas 7 ng umaga para sa registration ng mga dadalo, susundan naman ito ng Project Visitation ng lugar, pagkatapos ay magkakaroon din ng kapihan, at sisimulan na rin ang mismong Anniversary program, magkakaroon din ng farmer’s forum na magsisimula ala-una ng hapon at inaasahang mga farmer at farmer leaders ang mga dadalo sa forum. 

Pinangunahan ang nasabing selebrasyon ni Dr. Romulo L. Cena, direktor ng pinagsamang dalawang agricultural research centers.

ATI 12 Namahagi ng Livelihood Assistance para sa mga 4-H Club Members dito sa Lalawigan ng Cotabato

Written by: Ruel Villanueva

Namahagi kamakailan (January 25, 2012) ng livelihood assistance ang Agricultural Training Institute Regional Office 12 na nagkakahalaga ng kabuuang P140,000.00. Ito ay nakalaan para sa mga 4-H Club members ng North Cotabato upang ma-develop ang  kakayahan ng mga kabataang kasapi bilang mga  entrepreneur sa pamamagitan ng pagkakaloob ng technical support at financial assistance para sa kani-kanilang napiling livelihood projects.

Pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang turn-over ceremony ng mga tseke kasama ng kinatawan ng ATI 12 na si 4-H Regional Focal Person Ms. May Guiang at si Ms. Judy Gomez, ang Provincial Coordinator ng 4-H Club dito sa Cotabato.

Ang mga 4-H Clubs na napagkalooban ng livelihood assistance para sa ibat-ibang proyekto ay binubuo ng mga sumusunod:

1.      4-H Club Federation of Midsayap     -             P30,000, para sa handicraft
2.      Camutan 4-H Club sa Antipas   -  P20,000, para sa Cattle raising at breeding
3.      4-H Club of Makilala                         -        P45,000, para sa Cattle raising
4.      Pigcawaran 4-H Club sa Alamada    -        P45,000, para sa Cattle breeding

Para sa mga 4-H Clubs na nagnanais na maka-avail ng ganitong livelihood assistance mula sa ATI, kinakailangan lamang na magsumite ng project proposal sa Office of the Provincial Agriculturist sa Amas, Kidapawan City upang ma-endorse sa ATI. Dapat ay aktibo ang 4-H Club ng isang taon o higit pa.

Ang pinaigting na pakikipag-ugnayan ng Provincial Government sa mga support institutions tulad ng ATI 12 sa pagbibigay ng livelihood assistance ay bahagi pa rin ng Serbisyong Totoo program ng lalawigan ng Cotabato.   

Bayanihan Forum ng 57th IB ng AFP tinuligsa ng grupo ng Kabataan!

(Arakan, North Cotabato/February 2, 2012)  ----Mahigpit na kinondena ng mga progresibo at militanteng kabataan ang naganap na  forum sa Cotabato Foundation College of Science and Technology (CFCST) sa  Arakan Valley, North Cotabato na inorganisa ng 57th Infantry Battalion ng  Philippine Army. Tinawag itong  “BAYANIHAN FORUM”, sa nasabing pagtitipon, direktang sinabi nang resource speaker na si  Col. Leopoldo Galon ng Philippine Army na mga “front” ng New Peoples Army ang grupo ng ANAKBAYAN, Kabataan Party, Gabriela Womens Party, ANAKPAWIS, Bayan Muna at ACT Teachers Party.

Kaugnay nito, agad na bumuwelta ang tagapagsalita ng ANAKBAYAN-Arakan Chapter na si Jeffrey Cuyno laban sa pahayag ni Col Galon, aniya isa umano itong porma ng political harassment sa kanilang grupo at sa kanilang miyembro bilang isang lehitimong organisasyon.

Bahagi ito ng implementasyon ng counter insurgency na Oplan Bayanihan ng administrasyong Aquino na ang layunin ay patahimikin ang mga grupong kritikal sa kanyang mga anti-mamamayan na polisiya at programa”.

Dagdag pa ni Cuyno, “ na desperadong hakbangin umano ito ng 57th IB dahil sa kanilang panawagan na paalisin na sila sa kanilang lugar dahil sa tuloy-tuloy ng mga paglabag sa karapatang pantao lalo na ang pagpatay kay Fr. Pops Tentorio ,  Ramon Batoy at iba pang sibilyan sa lugar .”

Sa nasabing forum nag-walk-out ang humigit kumulang isang libong estudyante bilang  protesta  sa pahayag ng resource speaker.

Ayon din sa mga  estudyante ng CFCST, may mga pagkakataong nakikita nila ang mga miyembro ng militar na pumapasok sa kanilang campus na may mga bitbit na baril na  nagdudulot ng takot at pangamba  sa mga estudyante.

 

ATI 12 Namahagi ng Livelihood Assistance para sa mga 4-H Club Members dito sa Lalawigan ng Cotabato


Written by: Ruel Villanueva

Namahagi kamakailan (January 25, 2012) ng livelihood assistance ang Agricultural Training Institute Regional Office 12 na nagkakahalaga ng kabuuang P140,000.00. Ito ay nakalaan para sa mga 4-H Club members ng North Cotabato upang ma-develop ang  kakayahan ng mga kabataang kasapi bilang mga  entrepreneur sa pamamagitan ng pagkakaloob ng technical support at financial assistance para sa kani-kanilang napiling livelihood projects.

Pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang turn-over ceremony ng mga tseke kasama ng kinatawan ng ATI 12 na si 4-H Regional Focal Person Ms. May Guiang at si Ms. Judy Gomez, ang Provincial Coordinator ng 4-H Club dito sa Cotabato.

Ang mga 4-H Clubs na napagkalooban ng livelihood assistance para sa ibat-ibang proyekto ay binubuo ng mga sumusunod:

1.      4-H Club Federation of Midsayap     -             P30,000, para sa handicraft
2.      Camutan 4-H Club sa Antipas   -  P20,000, para sa Cattle raising at breeding
3.      4-H Club of Makilala                         -        P45,000, para sa Cattle raising
4.      Pigcawaran 4-H Club sa Alamada    -        P45,000, para sa Cattle breeding

Para sa mga 4-H Clubs na nagnanais na maka-avail ng ganitong livelihood assistance mula sa ATI, kinakailangan lamang na magsumite ng project proposal sa Office of the Provincial Agriculturist sa Amas, Kidapawan City upang ma-endorse sa ATI. Dapat ay aktibo ang 4-H Club ng isang taon o higit pa.

Ang pinaigting na pakikipag-ugnayan ng Provincial Government sa mga support institutions tulad ng ATI 12 sa pagbibigay ng livelihood assistance ay bahagi pa rin ng Serbisyong Totoo program ng lalawigan ng Cotabato.   

Isang barangay sa Matalam, North Cotabato; posibleng maputulan ng kuryente


Written by: Rhoderick Beñez

(Matalam, North Cotabato/February 1, 2012) ---Magiging madilim na ang buong barangay ng Estado sa bayan ng Matalam kung di pa rin makapagbayad ang kanilang brgy. treasurer ng kanilang obligasyon sa Cotabato Electric Cooperative o cotelco.

Ayon sa report abot kasi sa P34,000.00 ang dapat na singilin ng Cotelco na di pa nabayaran ng brgy Estado ngayong  buwan.

Pero kung ang mga member consumer ng brgy. Estado ang tatanungin halos lahat naman umano ng mga residente ay nagbayad na ng kanilang bill ngayong buwan sa kanilang treasurer na bagay namang inalmahan ng mga taga-brgy Estado ng mabalitaan na anumang araw simula ngayon ay puputulan na sila ng supply ng kuryente.     
 
Ang abiso ay ibinigay ng pamunuan ng cotelco kamakailan sa kanilang brgy kapitan na si Luis Ongcoy.
Ayon sa lumalabas na report nagamit umano ng brgy. treasurer ang pera na sana’y pambayad sa bill sa kuryente.

Kung kailan mababayaran ng brgy Estado ang kanilang bill sa kuryente ay wala pang alam ang mga opisyal.

Estudyante, sinapian ng masamang espiritu sa Kidapawan city?


Written by: Rhoderick Beñez

(Kidapawan City/February 1, 2012) ---Sinaniban diumano ng masamang espiritu ang isang high school student na kasapi ng Youth for habang sila ay nagdarasal sa isang prayer meeting sa loob ng campus ng USM-KCC sa Barangay Sudapin, Kidapawan City, alas-1030 ng gabi, noong Sabado.

Sa panayam ng DXVL- Radyo ng Bayan kay Larry Subillaga, isa sa mga prayer warrior na kasapi rin ng Youth for Christ, sinabi nitong sobrang malakas umano ang kaluluwa na sumanib sa katawan ng estudyante na kinilala’ng si ‘Jessa’, di niya tunay na pangalan.

Nang sabuyan nila ng banal na tubig, asin, at ikwentas nila sa leeg nito ang gamit ng isang Knight of Columbus, ay bigla’ng nagsisisigaw ang kaluluwa dahil sa sobrang sakit.

Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagtaboy sa kaluluwa, lumayas din ito sa katawan ni Jessa.

Pero kinabukasan, pinasukan na naman si Jessa ng isa pang masama’ng ispiritu ng lalaki na tulad nang nauna ay sobrang malakas din.

Napag-alaman pa na nagka gusto umano ang ligaw na kaluluwa ng lalaki kay Jessa.

Natakot umano si Subillaga nang sabihin ng lalaki na kukunin na nito ang katawan ni Jessa.