Written by: Lyka Ingrid Rubis
(USM, Kabacan, North Cotabato/January 30, 2012) ---Abot sa mahigit sa anim na daang mga 1st year Reserved Officer Training Corps o ROTC ng University of Southern Mindanao ang isinailalim kaninang umaga sa Regional Annual Administrative & Performance Evaluation o RAAPE.
Mismong si Col Eufronio G. Catalan Commander ng 12 Regional Community Defense Group ang dumalo sa taunang tactical ng mga ROTC students kanina.
Dinaluhan din nina USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije at USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon at iba pang mga USM administrative key officials ang nasabing programa.
Tampok dito ang drill test, theoretical, military stakes, announcement ng RAAPE na ngresulta ng 89%.
Disiplina sa sarili, isa sa mga binigyang diin din sa mensahe na ibinigay ni Catalan kungsaan nagkaroon agad ng turn over ng Unit Color mula sa RAAPE Chairman sa USM ROTC commandant.
Samantala sa iba pang mga kaganapan, pormal ng pinasinayaan kaninang umaga ang bagong Information and Communication Techonology Center o ICTC ng University of Southern Mindanao.
Ayon kay ICTC Director Prof. James Sirqueña ang bagong gusali ng ICTC ay makikita sa harap ng OSA Building sa loob ng USM Main Campus.
Pinangunahan mismo ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije at ni Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon ang ribbon cutting at sinundan agadng Blessing ceremony.
Ang ICTC ay nagbibigay ng internet services hindi lamang sa buong pamantasan kundi maging sa lahat ng studentry nito.
Isinagawa rin ang consultation meeting kasama ang ICTC personnel at USG Officers.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento