Written by: Ruel Villanueva
Namahagi kamakailan (January 25, 2012) ng livelihood assistance ang Agricultural Training Institute Regional Office 12 na nagkakahalaga ng kabuuang P140,000.00. Ito ay nakalaan para sa mga 4-H Club members ng North Cotabato upang ma-develop ang kakayahan ng mga kabataang kasapi bilang mga entrepreneur sa pamamagitan ng pagkakaloob ng technical support at financial assistance para sa kani-kanilang napiling livelihood projects.
Pinangunahan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang turn-over ceremony ng mga tseke kasama ng kinatawan ng ATI 12 na si 4-H Regional Focal Person Ms. May Guiang at si Ms. Judy Gomez, ang Provincial Coordinator ng 4-H Club dito sa Cotabato.
Ang mga 4-H Clubs na napagkalooban ng livelihood assistance para sa ibat-ibang proyekto ay binubuo ng mga sumusunod:
1. 4-H Club Federation of Midsayap - P30,000, para sa handicraft
2. Camutan 4-H Club sa Antipas - P20,000, para sa Cattle raising at breeding
3. 4-H Club of Makilala - P45,000, para sa Cattle raising
4. Pigcawaran 4-H Club sa Alamada - P45,000, para sa Cattle breeding
Para sa mga 4-H Clubs na nagnanais na maka-avail ng ganitong livelihood assistance mula sa ATI, kinakailangan lamang na magsumite ng project proposal sa Office of the Provincial Agriculturist sa Amas, Kidapawan City upang ma-endorse sa ATI. Dapat ay aktibo ang 4-H Club ng isang taon o higit pa.
Ang pinaigting na pakikipag-ugnayan ng Provincial Government sa mga support institutions tulad ng ATI 12 sa pagbibigay ng livelihood assistance ay bahagi pa rin ng Serbisyong Totoo program ng lalawigan ng Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento