Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

41-anyos na lalaki, tiklo dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa Pikit, Cotabato

Written by: Rhoderick BeƱez

(Pikit, North Cotabato/January 30, 2012) ---Arestado ng mga elemento ng Pikit PNP sa isinagawang buy bust operation nila ang isang 41-taong gulang na lalaki dahil sa pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Pikit, Cotabato dakong alas 3:50 kahapon.

Kinilala ni P/Sr Ins. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang suspetsado na si Jabide Balao’mol Abdullah, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Fort Pikit, North Cotabato.

Matagal na umanong minamanmanan ng mga otoridad ang nasabing tulak droga at kahapon ay nahulog na sa lamay ng mga otoridad ang suspetsado habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa iba pang mga kasamahan nila.

P300 na pera ang ginamit ng mga otoridad bilang marked money.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous drugs act 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspetsado.

Mismong si Dandan ang nagsampa sa Kidapawan city prosecutors’ office kanina sa Kidapawan city ng kaso laban sa suspetsado, na ayon sa report ay non-bale able.

Una rito, maging si SP03 Sandique Solaiman ang investigator ng Pikit PNP ay aminado rin na talamak pa rin sa bayan ng Pikit ang illegal na droga, partikular na ang shabu.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento