Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

16 na sasakyan, huli sa isinagawang pangalawang Oplan Kolurom ng Kabacan PNP at TMU sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Kasalukuyan ngayong nasa koustodiya ng Kabacan MPS ang 16 na mga kolurom na sasakyan matapos na mahuli sa isinagawang Oplan Kolurom ng Kabacan PNP at TMU sa ilang mga kalye at terminal sa Brgy. Pob. Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon kay Kabacan Traffic Management Unit Head Retired Kol. Antonio Peralta sa panayam ng DXVL News Team, nakahuli sila ng 2 trysikel at 5 trysikad na may-biyaheng Poblacion-Kayaga, at 9 na single na motorsiklo ang kanilang nahuli sa nasabing surprised inspection.

2 magsasaka, kalaboso matapos maaktuhang nagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakala ang dalawang lalaki matapos na maaktuhang nagdadala ng illegal na druga sa isinagawang Oplan Kolurom ang Kabacan PNP at TMU sa Purok Krislam, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Rahim Namil, 24 anyos, binata, magsasaka, isang Rodel Husain, 27 anyos, may-asawa, magsasaka at pawang mga residente ng Brgy. Manili sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Pagkaantala ng sahod, bonus at clothing ng mga guro, ipinaliwanag ng pamunuan ng Cotabato DepEd Division

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Ipinaliwanag ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas ang dahilan ng pagka-antala ng pagbibigay ng sahod, bonus at clothing allowance ng mga guro kasama na ang kanilang Productivity Incentive Bonus o PIB.

Sa panayam ng DXVL News sa opisyal inihayag nitong naibigay na umano ang sahod ng mga guro ngunit may mga distrito at paaralan pa na hindi nakapag sumite ng kanilang payroll at iba pang requirements kung kaya’t di pa mai-release ang benepisyo ng mga ito.

Karagdagang 50 mga upuan, dumating na sa Kabacan Pilot Central School

Principal: Anne Roliga, KPCES
(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Dumating na ang karagdagang 50 mga upuan sa Kabacan Pilot Central School kahapon ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni KPCS Principal Anne Roliga sa panayam ng DXVL News.

Aniya, ang nasabing mga upuan ay buhat sa Cotabato Provincial Government na ibinigay ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Taliño Mendoza.

Sinabi ng opisyal na may karagdagan pang 250 na mga upuan ang darating.

Solusyon sa kawalan ng kuryente sa Kabacan Pilot Central Elementary School tinukoy ng Division Supt

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Tinukoy ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas ang solusyon sa kawalan ng kuryente sa Kabacan Pilot Central Elementary School.

Sa panayam ng DXVL news sa opisyal inihayag nitong 4 na buwan na umanong naputulan ng kuryente ang naturang paaralan.

Dagdag pa niya na pangalawang beses na umano itong nangyari na naputulang ng kuryente ang paaralan.

EXCLUSIVE: Isa pang suspetsado sa attempted rape, binabaan ng hatol ng RTC Branch 22 Kabacan ng 4-taong pagkakakulong

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2015) ---Hinatulan ng apat na taong pagkakakulong si Herminihildo Cabrido ‘alias Boy’ matapos na napatunayan sa hukuman dahil sa pagkakasala ng apat na magkakahiwalay na attempted rape noong March 2003, July 2004, December 2004 at October 2005 sa nasasakupang korte.

Ayon kay Regional Trial Court RTC Branch 22 Judge Laureano Alzate ng Kabacan napatunayan na nagkasala ang nasasakdal ng apat na attempted rape.

DepEd-NorthCot, nagpasalamat sa koperasyon ng iba-ibang sektor sa maayos na pagbubukas ng klase

(North Cotabato/ June 4, 2015) ---Nagpasalamat ang pamunuan ng Department of Education dito sa lalawigan sa iba-ibang mga sektor na sumuporta sa maayos na pagbubukas ng klase.

Partikular na pinasalamatan ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas ang mga lokal na pamahalaaan, mga guro, mga magulang, mga tanod at mga pulis.

EXCLUSIVE: Rape Suspek, hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo (reclusion perpetua)

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2015) ---Hinatulan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo si Diosdado Sebaldes matapos na babaan ng hatol ni Regional Trial Court RTC Branch 22 Judge Laureano Alzate ang nasasakdal dahil sa apat na kasong kriminal na nangyari noong Pebrero at Marso 2002 na isinampa sa nasabing korte.

Ang dalawang mga biktima ay mga menor de edad at hindi pinangalanan dahil sa provision ng anti-violence against women and children act, RA No. 9262.

Therma South Incorporated (TSI) siyang nakikitang solusyon sa problema ng kakulangan ng supply ng kuryente sa area coverage ng COTELCO – ayon sa pamunuan ng kooperatiba

(Kidapawan city/ June 4, 2015) ---Ang TSI lamang ang siyang nakikitang solusyon ng COTELCO sa problema ng kakulangan ng supply ng kuryente sa coverage area nito sa siyang nagiging dahilan ng power curtailment na ipinapatupad ng electric cooperative.

Ito ang inihayag ni COTELCO General Manager Engr. Godofredo Homez sa isinagawang Press Conference sa Kidapawan city nitong Martes.

Sa nasabing aktibidad ay sinagot lahat ng opisyal ang katanungan ng media.

Hands-on Training on Organic Culture of Tilapia in Pond, Isinagawa sa BFAR-RFTFCC, Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Magkatuwang na nagsagawa kamakailan (5/28/15) ang Organic Agriculture Program at Fisheries Division ng Office of the Provincial Agriculturist ng hands-on training on tilapia culture in pond sa Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Center (RFTFCC) sa Kabacan.

Ito ay dinaluhan ng 22 kalahok na mga fishpond operators mula sa Lampagang, Tulunan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, layon ng training na ibahagi ang kaalaman tungkol sa organikong produksiyon ng tilapia sa fishpond na mataas ang demand sa pamilihan.

Gulayang Pangkabuhayan ng Cotabato malaking tulong sa hangaring food sustainability and security

(Amas, Kidapawan City/ June 3, 2015) ---Matapos mailunsad sa tatlong distrito ng Cotabato noong Feb. 20, 2015, umani na ngayon ng produktong gulay ang programang Gulayang Pangkabuhayan ng Cotabato.

Mismong si Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang sumaksi sa ani ng iba’t-ibang gulay sa compound ng 602nd Brigade ng Phil. Army na nakabase sa Carmen (3rd district), Cotabato nitong nakaraang May 28, 2015.

Kabilang rito ang kalabasa, talong, upo, ampalaya at maging prutas na papaya at pakwan na maaari ng lutuin ng mga planters o ibenta sa merkado at makatulong sa kabuhayan.

Magsasaka, patay sa saksak

(Magpet, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng mismong kainuman nito sa Barangay Balite, Magpet, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Henry Echavez habang ang suspek ay kinilala namang si James Serano Pactao na residente ng Balite, Magpet.

Konsultasyon kaugnay ng Basic Law of the Bangsamoro Autonomous Region isinagawa sa PALMA area

(Midsayap, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pinangunahan ni North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan ang serye ng konsultasyon kaugnay sa batas na magtatatag sa isang bagong autonomous region sa Mindanao.

Ito ang basic law na bersyon ng mababang kapulungan at resulta ng isinagawang nationwide consultation on the BBL.

Ginawa ang konsultasyon sa iba’t- ibang mga bayan ng Unang Distrito ng North Cotabato nitong May 28-31 ng taong kasalukuyan.

Kids Summerkadahan Basketball Camp ni Gov Lala patok sa kabataan

(Amas, Kidapawan city/ June 3, 2015) ---Kahit na sa kalagitnaan na ng Mayo, 2015 inilunsad ang 1st Gov Lala Kids Summerkadahan Basketball Camp o KSBC, naging matagumpay naman ito sa abot sa pitong munisipyo at lungsod ng Kidapawan kung saan ito ginawa.

Ayon kay Romeo “Boy” Anito, Provincial Sports Coordinator, nakapagtala ng abot sa 300 na mga batang edad 7-10 years old ang Midsayap kung saan iilungsad ang KSBC partikular sa Midsayap Pilot Elem. School noong Mayo 16-18, 2015.

P 24M halaga ng infrastructure projects pormal nang itinurn- over sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pormal nang itinurn- over kamakailan ang multi- milyong infrastructure projects sa barangay Sadaan, Midsayap, North Cotabato.

Tinganggap ang mga ito ng barangay council kasama ang mga mamamayan sa lugar.

Ang mga proyektong ay may kabuuang halaga na 24 Milyon piso. Ito ay ang mga sumusunod:

          Multi- Purpose Structure- P 2M
          Concreting of Poblacion 1- Sadaan Road- P12M
          Concreting of Sadaan- Santa Cruz- Bitoka road network- P10 M

5th Gov Lala Taliño-Mendoza SKPC matagumpay na nagtapos

(Amas, Kidapawan city/ June 3, 2015) ---Pormal na natapos ang 5th Gov Lala Taliño-Mendoza Summer Kids Peace Camp o SKPC sa Arakan noong May 30, 2015 matapos ang mahigit dalawang buwan matapos simulan ito ngayong taon sa Banisilan noong March 20 at nilibot ang lahat ng munisipyo ng Cotabato.

Abot sa 1,185 na mga Grade 5 pupils mula sa iba’t-ibang public elementary schools sa Arakan ang nagtipon-tipon sa Arakan Central Elementary School at sumailalim sa mga learning sessions ng SKPC kabilang ang peace initiatives, leadership training, environmental protection, life-saving, disaster preparedness at iba pa.

May sapat na supply ng bigas sa Rehiyon –DA 12

(Koronadal City/ June 3, 2015) ---Bagama’t may napipintong pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa, tiniyak naman ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon 12 na may sapat na supply ng bigas ang National Food Authority.

Ito ang sinabi ni DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan sa isang pulong pambalitaan na isinagawa sa Viajera Resto Bar, Koronadal city kahapon ng umaga.

48-anyos na Ginang, patay matapos mahagip ng Pick-up sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang ginang matapos mahagip ng Pick-up sa Davao-Cotabato highway partikular sa Sitio Flortam, Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato, kamakalawa.

Sa ulat ng Makilala PNP kinilala ang biktima na si Gloria Andi, 48-anyos na taga Purok 7, Sitio Flortam, Batasan, Makilala.

Mag-live-in partner, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Patay ang mag-live-n partner sa panibagong insidente ng pamamaril sa bisinidad ng Mantawil Extension, Purok Crislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 2:40 kahapon ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie Batuampo Cordero, hepe ng Kabacan PNP kinilala nito ang mga biktima na binawian ng buhay na sina Alvin Payot Langalin, 28-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato habang kinilala naman ang live-in partner nito na si Gladys Joy Lainer, 23-anyos, GRO at residente ng Digos city.

Publiko, pina-iingat ng Kabacan PNP kontra sa mga masasamang loob

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Todo paalala ngayon ang Kabacan PNP sa publiko na maging maingat sa mga matataong lugar matapos ang naitalang pagnanakaw sa isang Commercial Building sa USM Avenue, Poblacion Kabacan Cotabato dakung alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na isang Baikong Ebrahim Bucocan, 27 anyos, may asawa, isang market vendor at residente ng Brgy. Magatos sa bayan.

Dump Truck, sinunog ng mga armadong grupo sa Mlang, North Cotabato

Pic: for Illustration Only
(Mlang, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Mlang PNP matapos ang naitalang panununog ng mga di pa nakikilalang mga salarin sa isang dump truck ng Jargon Construction Supply sa Brgy. New Esperanza sa bayan ng Mlang, North Cotabato dakung alas 6:00 kahapon ng umaga.

Ito ayon kay CPPO Chief Provincial Operation Branch PSI Ramil Hojilla sa panayam ng DXVL News.

DEpEd North Cotabato, magbubukas ng Enrolment Desk sa susunod na linggo para sa mga hindi pa nakapag-enrol

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Sa kabila ng pagsisimula ng klase ngayong linggo, inihayag ng pamunuan ng Department of Education North Cotabato Division na magbubukas pa sila ng enrolment sa susunod na linggo para sa mga hindi pa naka-pag-enrol.

Ito ang sinabi ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan.

Ex-DPWH staff at mister nito, patay sa pananambang

(South Cotabato/ June 2, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dating kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) habang binawian na rin ng buhay ang mister nito makaraang tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa Sitio Bayabas, Barangay Tasiman sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato, kahapon ng umaga. 

Kinilala ang napatay na si Jackie Siera habang sugatan naman ang mister nito na si Ronald Siera, kawani ng Philhealth. 

Bayan ng Kabacan, pumasa sa isinagawang Provincial Evaluation ng Functionality of Municipal Council for the Protection of Children (MCPC)

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Pumasa sa isinagawang Provincial Evaluation ng Functionality of Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) ang bayan ng Kabacan Mayo a-27, 2015 noong nakaraang linggo.

Ayon kay LGU Kabacan Administrative Officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, kasama sa mga dumaan sa ebawasyon ng Provincial Evaluators mula sa Provincial Government of North Cotabato ang mga areas ng Children’s Survival, Children’s

3 years Peace & Order Public Safety Plan (POPSP) ng LGU Kabacan patuloy na ipinapatupad

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Patuloy ngayong ipinapatupad ng LGU Kabacan ang 3 years Peace & Order Public Safety Plan (POPSP) na binalangkas noong buwan ng Hunyo taong 2014.

Ayon kay Administrative officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, binalangkas ang POPSP kasama ng mga miyembro ng MPOC kagaya ng SB, PNP, BFP, BJMP, TMU, MILGO, ABC, MENRO, MSWDO, RHU, MARO, Municipal Engineering Office, MDRRMC at iba pang mga CSO na may  sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr.

40 mga sasakyan, huli sa isinagawang ‘Oplan Kolurom’ sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Nasa 40 na mga sasakyan ang naka-impound ngayon sa himpilan ng Kabacan PNP matapos isinagawa ng Traffic Management Unit o TMU kasama ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP ang OPLAN kolurom sa bayan ng Kabacan kahapon.

Ayon kay Kabacan TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa panayam ng DXVL News, 1 tricycle na may rutang USM compound; 16 na kolurom na tricycab, 1 van at 1 multicab na pumipick-up ng mga pasahero sa mga ipinagbabawal na lugar ang kanilang nahuli kahapon ng umaga pa lamang.

Davao Region, magkasunog na niyanig ng lindol

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Walang naiulat na casualties at mga nasira makaraang niyanig ng 4.9 Magnitude na lindol ang bayan ng Upi, Maguindanao alas 9:40 nitong Sabado ng umaga.

Batay sa ulat na nakalap ng DXVL News sa Phivolcs may lalim na 631 na kilometro ang nasabing lindol.

Special Non-working Holiday, ideneklara sa ARMM ngayong June 2

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Deklaradong Special Non-working Holiday bukas, June 2 sa buong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang naturang holiday ay bilang paggunit sa ika 15-araw ng Sha'ban sa  Hijra Calendar sa ilalim ng Muslim Mindanao Autonomy Act.no 17.

Sa pamamgitan nito Lahat ng Government officials, Employees at mga constituents ng ARMM ay pinahihintulutang hindi

Mahigit 200K mag-aaral ng North Cotabato Division, dagsa ngayong araw sa iba’t-ibang mga paaralan sa lalawigan sa pagbubukas ng klase

Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Matapos ang dalawang buwan na bakasyon, sabay-sabay na dadagsa ngayong araw ang may dalawang daang libung mga mag-aaral ng Department of Education o DepEd Cotabato Division sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lalawigan ng North Cotabato sa pagsisimula ng klase sa school year 2015-2016.

Ayon kay North Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas nasa 281,934 ang bilang ng kanilang mga naitalang enrollees batay sa pinakahuling data nila kahapon.

Aasahan din na madadagdagan ito.

Limang mahahalagang programa ng DOH inilungsad sa Kidapawan City

JIMMY STA. CRUZ

(Amas, Kidapawan City/ June 1, 2015) ---Sa layuning mapalakas pa ang mga programang pangkalusugan ng Dept of Health o DOH, inilunsad ang Universal Health Care-High Impact Five o UHC-HIF sa Kidapawan City noong May 27, 2015 kasabay ang 2-day health summit sa JC Convention Center, Kidapawan City.

Abot sa 11 mga Local Government Units sa Cotabato kabilang na ang provincial government ang sumama sa grand motorcade at float parade na ginawa bago pa magsimula ang launching.

Serbisyo ng BPAT sa Poblacion, Kabacan mas pina-igting

Christine Limos
(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Mas pina-igting ang serbisyo ng Baranggay Peace Keeping Action Team o BPAT’s sa Brgy. Poblacion ng Kabacan.

Ito ang inihayag ni Poblacion kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL news.

Aniya, 24/7 ang pagbabantay ng mga tanod sa Poblacion upang mas mabantayan ang seguridad ng mga mamamayan.

Kabacan PNP naglatag ng seguridad para sa pagbabalik pasukan katulong ang TMU

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Naglatag ng seguridad ang Kabacan PNP katulong ang Traffic Management Unit sa pagsasa ayos ng trapiko sa pagbabalik pasukan ngayong araw. 

Ito ang inihayag ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news.

Aniya, naglagay umano sila ng police assistance center para maserbisyuhan ang mga nangangailangan sa pagbubukas ng klase.

2 sugatan sa pagkakahulog ng Truck sa Arakan, North Cotabato

Photo from FB: A. Francisco
Christine Limos

(Arakan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Sugatan ang isang driver at helper nito matapos mahulog ang isang elf truck sa bangin sa Sitio Malihongkong, Arakan North Cotabato noong Biyernes. 

Ito ang inihayag ni PSI Sunny Leoncito, hepe ng Arakan PNP sa panayam ng DXVL news.

Organic Agriculture Forum, Isinagawa Kaugnay ng Pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ June 1, 2015) ---Sa temang “Mahal ko ang Mundo, Kaya Go Organik Ako”, isinagawa kamakailan ang Organic Agriculture Forum sa Agricenter, Amas, Kidapawan City kaugnay ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month.

Sa report ni Agricultural Technologist Ruel Villanueva dinaluhan ng 151 na kalahok na pawang mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, layon ng forum na ipalaganap ang kaalaman tungkol sa organikong pagsasaka dahil ito ay safe, sustainable at environment-friendly.

Empleyado ng LGU Kabacan, isa sa mga nanalo sa ‘Special Draw ng PCSO na Singko Panalo para sa North Cotabato’

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Maswerteng naiuwi ng isang kawani ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang 3rd Prize sa katatapos na draw ng ‘Singko Panalo Para sa North Cotabato’ Special Draw ng PCSO nitong Mayo a-30.

Ayon kay Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade nakuha din ng isa pang taga-Kabacan din ang 1st Prize na may hawak na number combination na 236974.

9 na mga mag-aaral ng Southern Mindanao Bible College sa bayan ng Makilala, grumadwet

(Makilala, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Nagtapos ang siyam na mga mag-aaral ng Southern Mindanao Bible College sa Kisante, Makilala, North Cotabato kahapon ng umaga.

Kabilang sa mga nagtapos sa 2015 ay sina: Marie Kris Bulos, Janaeva Guiara, Glenore Legaspe, Michelle Noque, Cristine Marin, Elira Velonero, Jessie Blasan, Al Gerone Guillermo at Charlie Jaravata.