(Midsayap,
North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pinangunahan ni North Cotabato 1st
District Rep. Jesus Sacdalan ang serye ng konsultasyon kaugnay sa batas na
magtatatag sa isang bagong autonomous region sa Mindanao.
Ito
ang basic law na bersyon ng mababang kapulungan at resulta ng isinagawang
nationwide consultation on the BBL.
Ginawa
ang konsultasyon sa iba’t- ibang mga bayan ng Unang Distrito ng North Cotabato
nitong May 28-31 ng taong kasalukuyan.
Dinaluhan
ito ng mga barangay leaders at municipal officials mula sa Pigcawayan, Alamada,
Libungan, Aleosan at Midsayap.
Ilan
sa naging sentro ng talakayan ay ang probisyon ng batas kaugnay sa
decommissioning at disarmament ng MILF members, ang bangsamoro regional police
at kung paano mapapabilang sa plebisito ang mga komunidad na nais pumasok sa
core territory ng Bangsamoro.
Inahayag
ni Rep. Sacdalan na pinangunahan nya ang konsultasyon upang malaman ang saloobin
ng mga community leaders at maiparating ito sa kongreso sa muling pagbubukas ng
plenary session ngayong araw.
Nilinaw
naman ng kongresista ang pagboto nito ng “yes” kaugnay ng nasabing panukalang
batas.
Sinabi
ni Rep. Sacdalan na nag- yes siya dahil nais niyang mabigyan ng pagkakataon na
masusing matalakay sa plenaryo ang Basic Law of the Bangsamoro Autonomous
Region.
Binigyang-
diin din ng opisyal na ang nasabing house bill ay dadaan pa rin sa isang
plebisito. Roderick Rivera Bautista
0 comments:
Mag-post ng isang Komento