JIMMY STA. CRUZ
(Amas, Kidapawan City/ June 1,
2015) ---Sa layuning mapalakas pa ang mga programang pangkalusugan ng Dept of
Health o DOH, inilunsad ang Universal Health Care-High Impact Five o UHC-HIF sa
Kidapawan City noong May 27, 2015 kasabay ang 2-day health summit sa JC
Convention Center, Kidapawan City.
Abot sa 11 mga Local Government
Units sa Cotabato kabilang na ang provincial government ang sumama sa grand
motorcade at float parade na ginawa bago pa magsimula ang launching.
Ayon kay DOH Assistant Secretary
Paulyn Jean B. Rosell-Ubial, ang naturang launching ay region-wide o kasama ang
apat na lalawigan at limang mga lungsod sa SOCCSKSARGEN.
Ang UHC-HIF ay kinabibilangan ng
reduction of maternal deaths, improved infant health/reduce infant deaths,
improved under-five health, combat HIV/AIDS at implementation of service
delivery network in all areas.
Sinabi ni Asec. Ubial na ang
limang mga programa ay naglalayong palakasin ang kampanya ng DOH at ng national
government na makamit ang target goals ng United Nations Development
Program-Millennium Development Goals o UNDP-MDG ngayong taon.
Ayon pa kay Asec, Ubial, nahaharap
sa malaking hamon ang pamahalaan sa pagtugon sa mga health concerns sa maraming
pamayanan sa bansa kaya’t ginagawa nito ang lahat upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mamamayan sa larangan ng kalusugan.
Sa kanyang mensahe, hinimok naman
ni Cot Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga Local Government Units at
iba pang stakeholders na suportahan ang DOH sa lahat ng programa nito. (JIMMY
STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento