Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Publiko, pina-iingat ng Kabacan PNP kontra sa mga masasamang loob

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Todo paalala ngayon ang Kabacan PNP sa publiko na maging maingat sa mga matataong lugar matapos ang naitalang pagnanakaw sa isang Commercial Building sa USM Avenue, Poblacion Kabacan Cotabato dakung alas 7:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na isang Baikong Ebrahim Bucocan, 27 anyos, may asawa, isang market vendor at residente ng Brgy. Magatos sa bayan.


Ayon sa report, habang tumitingin sa paninda sa nasabing commercial building ang biktima kasama ang kanyang pamilya at pagkaraan ng ilang sandali ay napansin na nitong nakabukas na ang dala nitong sling bag.

Nang tingnan ng biktima ang kanyang sling bag ay nawawala ang kanyang pitaka na naglalaman ng kanyang Voters ID, cash cards at iba pang mga dokumento kasali ang P5,000 na halaga ng pera.

Ilang sandali umano ang nakakalipas ng mapansin ng kanyang ama na meroon umanong isang babae na nagmamadaling lumabas ng gusali at hinala nito ay iyon ang suspek na siyang tumangay ng pitaka ng kanyang anak.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ng Kabacan PNP ang nasabing insidente.

Nagpapaalala naman ang Kabacan PNP sa pangunguna ni PSI Ronnei Cordero sa publiko na kung maaari ay ilagay sa harapang bahagi ang mga dalang bag na may lamang malalaking halaga ng pera upang makaiwas sa mga kawatan lalo na’t balik skwela na at marami nang tao ang gumagala sa mga lugar sa bayan kagaya ng USM Avenue. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento