Principal: Anne Roliga, KPCES |
(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2015) ---Dumating
na ang karagdagang 50 mga upuan sa Kabacan Pilot Central School kahapon ng
umaga.
Ito ang kinumpirma ni KPCS Principal Anne
Roliga sa panayam ng DXVL News.
Aniya, ang nasabing mga upuan ay buhat sa
Cotabato Provincial Government na ibinigay ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Taliño
Mendoza.
Sinabi ng opisyal na may karagdagan pang 250
na mga upuan ang darating.
Aminado si Roliga na may kakulangan sila sa
upuan, matapos na posibleng umabot na kasi ang enrollees nila sa tatlong libu,
habang nasa 2,200 lamang ang opisyal na data ang kanilang naisumite nitong
Lunes sa National Office ng Kagawaran.
Sa ngayon, umaabot na sa sampung section ang
Grades 1-4 habang 9 sections naman ang kanilang grade 5-6.
Ipinaliwanag din ng punongguro ang ‘No
Collection Fee’.
Ibigsabihin nito na, walang collection na
gagawin mula Hunyo hanggang Hulyo para ma-accommodate ang lahat na mag-aaral na
makapag-enrol.
Pero nilinaw nito na mangongolekta sila sa
buwan ng Agosto para sa mga miscellaneous fees.
Sinagot din ng opisyal na hindi pa dumating
ang kanilang Maintenance and other Operating Expenses o MOOE dahilan kung bakit
naputulan ng kuryente ang Kabacan Pilot Central Elementary School. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento