Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Organic Agriculture Forum, Isinagawa Kaugnay ng Pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ June 1, 2015) ---Sa temang “Mahal ko ang Mundo, Kaya Go Organik Ako”, isinagawa kamakailan ang Organic Agriculture Forum sa Agricenter, Amas, Kidapawan City kaugnay ng pagdiriwang ng Farmers and Fisherfolk Month.

Sa report ni Agricultural Technologist Ruel Villanueva dinaluhan ng 151 na kalahok na pawang mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, layon ng forum na ipalaganap ang kaalaman tungkol sa organikong pagsasaka dahil ito ay safe, sustainable at environment-friendly.


Pahayag naman ni Ms. Julieta Lumogdang, ang Provincial Focal Person on Organic Agriculture na naging paksa sa forum ang mga sumusunod:

Support and Initiatives for Organic Agriculture and the Implementing Rules and Regulations on Organic Agriculture na tinalakay ni Board Member Loreto Cabaya; Organic Agriculture Programs and Initiatives of LGU Arakan na tinalakay ni James Dulay; Organic Herbal Medicines and Food Processing na tinalakay ni Lucresia Neri; Vermi-cast Production na tinalakay ni Lorde Magoncia; Organic Rice Farming na tinalakay ni Restituto Parreño; Organic Farming System na tinalakay ni Dr. Harris Sinolinding; Organic Aquaculture na tinalakay ni Charity Balleco; Promotion and Marketing of Organic Products na tinalakay ni Norberta Tahum; at
Strengthening of Organic Groups and Organizations na tinalakay ni Dr. Lucita Daval.

Suportado naman ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang Organic Agriculture Forum dahil isa ito sa mga programang isinusulong niya sa ilalim ng Serbisyong Totoo program ng Pamahalaang Panlalawigan.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento