Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bayan ng Kabacan, pumasa sa isinagawang Provincial Evaluation ng Functionality of Municipal Council for the Protection of Children (MCPC)

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Pumasa sa isinagawang Provincial Evaluation ng Functionality of Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) ang bayan ng Kabacan Mayo a-27, 2015 noong nakaraang linggo.

Ayon kay LGU Kabacan Administrative Officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, kasama sa mga dumaan sa ebawasyon ng Provincial Evaluators mula sa Provincial Government of North Cotabato ang mga areas ng Children’s Survival, Children’s
Participation, Children’s Development at ang Children’s Protection mula sa ibat-ibang sangay ng LGU Kabacan na nagpapatupad at nagsusulong ng mga proyekto at mga programang para sa mga Kabataan.

Kasama sa kanilang tiningnan ang mga dokumento sa nasabing mga usapin kung maayos ba itong naiisasadokumento.

Patunay umano ito na ang LGU Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. ay matagumpay na ipinapatupad ang mga programang naglalayong maproteksiyonan ang mga kabataan sa bayan.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta kung papalarin bang masungkit ng bayan ng Kabacan ang titulo sa bilang Best Municipal Council sa Provincial level.

Nakahanda naman umano ang LGU Kabacan kung sakaling sila ang pipiliing makipagtunggali sa buong Region 12. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento