Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P 24M halaga ng infrastructure projects pormal nang itinurn- over sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pormal nang itinurn- over kamakailan ang multi- milyong infrastructure projects sa barangay Sadaan, Midsayap, North Cotabato.

Tinganggap ang mga ito ng barangay council kasama ang mga mamamayan sa lugar.

Ang mga proyektong ay may kabuuang halaga na 24 Milyon piso. Ito ay ang mga sumusunod:

          Multi- Purpose Structure- P 2M
          Concreting of Poblacion 1- Sadaan Road- P12M
          Concreting of Sadaan- Santa Cruz- Bitoka road network- P10 M


Nagpapasalamat naman si Sadaan Punong Barangay Edgardo Cadungog sa pagkakaimplementa ng mga nabanggit na proyekto sa kanilang lugar.

Aniya, magiging malaking tulong ito sa mga mamamayan.

Pinangunahan ng DPWH Cotabato 2nd DEO ang turn- over ceremony kasama si North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Midsayap. Roderick Rivera Bautista





0 comments:

Mag-post ng isang Komento