Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

40 mga sasakyan, huli sa isinagawang ‘Oplan Kolurom’ sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Nasa 40 na mga sasakyan ang naka-impound ngayon sa himpilan ng Kabacan PNP matapos isinagawa ng Traffic Management Unit o TMU kasama ang pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP ang OPLAN kolurom sa bayan ng Kabacan kahapon.


Ayon kay Kabacan TMU Head Ret. Col. Antonio Peralta sa panayam ng DXVL News, 1 tricycle na may rutang USM compound; 16 na kolurom na tricycab, 1 van at 1 multicab na pumipick-up ng mga pasahero sa mga ipinagbabawal na lugar ang kanilang nahuli kahapon ng umaga pa lamang.


Anya, pagsapit ng hapon ay kanila ring sinurpresa ang ilang mga terminal ng Kabacan Public Market, ang terminal ng mga trysikel na may biyaheng Poblacion-Kilagasan at Cuyapon at nakahuli sila ng 19 na mga trysikel na lahat ay kolurom at nakahuli rin ng 1 motorsiklo naman ng lumabag sa batas trapiko.

Ginawa ng opisyal ang aksyon matapos na makatanggap ng reklamo mula sa mga legal na nag-o-operate na trysikel operators at drivers na marami na umanong kulorom na bumabiyahe habang sila naman ay nagbabayad ng tamang buwis upang makapamasada ay nadedehado.

Dagdag pa ng opisyal na patuloy ang kanilang gagawing surprised inspection sa ibat-ibang mga terminal sa bayan upang matugunan ang mga reklamo ng mga trysikel drivers at operators na legal na nag-o-operate.

Kasama rin umano sa kanilang hinuhuli ay ang mga motoristang hindi sumusunod sa batas trapiko para sa mga slow moving vehicles sa bayan  sa kabila ng malaking tarpaulin sa National Highway at nabigyan na rin umano anya ang mga motorista ng seminar tungkol dito. Mark Anthony Pispis


0 comments:

Mag-post ng isang Komento