(Kabacan, North Cotabato/ June 2,
2015) ---Patuloy ngayong ipinapatupad ng LGU Kabacan ang 3 years Peace &
Order Public Safety Plan (POPSP) na binalangkas noong buwan ng Hunyo taong
2014.
Ayon kay Administrative
officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, binalangkas ang POPSP kasama
ng mga miyembro ng MPOC kagaya ng SB, PNP, BFP, BJMP, TMU, MILGO, ABC, MENRO, MSWDO,
RHU, MARO, Municipal Engineering Office, MDRRMC at iba pang mga CSO na may sa pamumuno ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman
Jr.
Anya, nagsimula ang pag implementa
noong nakaraang taong 2014 na magtatapos sa taong 2016.
Layon ng programa ay upang mapanatili
ang kaayusan sa bayan at kaligtasan ng mga mamamayan. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento