(Midsayap, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Magandang balita ang ipinaabot ni Midsayap-Pigcawayan-Libungan-Northern
Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators’ Associations President Dante Cudal
sa mga kapwa nito magsasaka sa isinagawang Farmers’ Forum kahapon sa Kapayapaan
Hall dito sa bayan.
Sinabi ni Cudal na aprubado na ang Rice
Processing Complex na itatayo sa Barangay Sinawingan sa bayan ng Libungan,
North Cotabato.
Kaugnay nito ay ihahatid na sa mismong
project site ang anim na culvert na
kinakailangan upang agad nang masimulan ang proyekto.
Layunin ng paglalagay ng mga imburnal sa
kalsadang dadaanan ay upang mapabilis ang paghahatid ng construction and
filling materials patungo sa pagtatayuan ng nasabing rice processing complex.
Nabatid na abot sa P16 M ang inilaang pondo
para sa nasabing proyekto na nagmula sa Department of Agriculture o DA.
Nitong nakalipas lamang na taon, hiniling
mismo ng MPLK noong bumisita dito sa lalawigan sina DA Secretarty Alcala at DA
Assistant Secretary at National Rice Program Coordinator Dante Delima na mapatayuan
ng nabanggit na post harvest facility ang mga magsasaka ng North Cotabato.
Dagdag ni Cudal, nagpapasalamat din ang mga
magsasaka kay House Committee on Food Security Vice Chairperson Cong. Jesus
Sacdalan sa inisyatibo nitong maisakatuparan ng DA ang nabanggit na proyekto.
Kapag nakumpleto na ay pakikinabangan ito ng
31 Irrigators’ Associations na kasapi ng MPLK. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento