Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga inabandonang illegal cut logs, nasamsam ng mga otoridad


(Kabacan, North Cotabato/ April 15, 2013) ---Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa inabandonang illegal cut logs na nakumpiska sa isang Watershed Area sa brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Nanguna sa pagkumpiska sa mga illegal na mga kahoy sa lugar si Municipal Environment and Natural Resources Officer Jerry Laoagan, , Kabacan Alert Team P/Insp. Tirso Pascual, MESPO SPO4 Enrique Cadiz, 7th IB 1Lt. Larry Valdez ng Philippine Army sa ilalim ng superbisyon ni Supt. Leo Ajero , hepe ng Kabacan PNP.

Ayon sa report ni Brgy. Kapitan Remegio Alejo  ang nasabing mga illegal na kahoy ay pinutol na ng mga di pa nakilalang mga salarin sa iba’t-ibang haba at sukat.

Nakahimpil ang nasabing mga kahoy sa gilid na ng daan ng madatnan ng mga tropa ng mga kapulisan at militar.

Sa ngayon nasa himpilan na ng Kabacan PNP ang nasabing mga kahoy at naka-takdang i-tuturn-over MENRO Kabacan.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad kung sinu angnasa likod ng pamumutol ng kahoy sa watershed protected area sa Pisan. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento