(Midsayap, North Cotabato/ April 19, 2013)
---Mariing itinanggi ni Fernando Sacdalan, tumatakbong congressman sa unang
distrito ng North Cotabato ang umuugong na balita na siya ang pinatakbo ni Gov.
Lala Mendoza.
Ito para kalabanin umano ang tiyuhin nitong
incumbent congressman ng 1st District ng North Cotabato na si Susing
Sacdalan.
Aniya, ang nagpatakbo sa kanya ay ang taong
bayan kungsaan iginigiit nito na ang pera ng taong bayan ay dapat na ibalik sa
taong bayan.
Pinasaringan kasi nito ang kasalukyang
naka-upo sa posisyon hinggil sa Priority Development assistance Fund (PDAF) na
di umano umabot sa taong bayan ang ilang mga proyekto.
Sinabi nito na marami sa mga brgy na sakop
ng unang distrito ang di nabigyan ng hard projects mula taong 2010-2013, batay
na rin sa PDAF Breakdown ng congressman buhat sa Department of budget and management.
Dagdag pa ng batang Sacdalan na ang isang
kongresista ay may pondong P70M bawat taon na PDAF at sa loob ng tatlong taon
ito ay aabot sa P210M.
Pero sa kaso ng kanyang tiyuhin abot lamang
sa P76,500,00 ang naibigay na soft projects sa loob ng tatlong taon kabilang na
dito ang scholarship program, Medical assistance, livelihood, planting
materials and crops, livestock, social services at milk feeding na siya’ng
kinukwestiyon ngayon ni FPJ Sacdalan kungsaan napunta.
Nilinaw naman nito na di niya sinisiraan ang
kanyang tiyuhin kung di ang nais nito ay ibalik ang pera ng taong bayan na
pantay pantay na mabigyan ng pondo ang 196 na brgy. na sakop ng unang distrito.
Sinusubukan pang kunan ng pahayag ng DXVL
News ang kampo ng kabilang Sacdalan sa mga isyung ipinupukol sa kanya. (Rhodz
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento