(Kabacan, North Cotabato/ April 18, 2013)
---Umaapela ngayon ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP sa lahat ng mga brgy
kapitan ng Kabacan ang paglalagay ng Ronda system sa mga brgy.
Ayon sa opisyal ang nasabing hakbang ay
bahagi ng kanilang kampanya kontra talamak na nakawan ng motorsiklo sa bayan.
Kaugnay nito, bubuo ang hanay ng PNP ng
isang Organization of a Regional anti-carnapping Task Force.
Sa panayam ng DXVL Radyo ng bayan kay
Supt. Ajero ngayong hapon, sinabi nitong nakapagtala ang Kabacan PNP ng sampung
kaso ng motorcycle theft sa unang quarter ng kasalukuyang taon.
Aniya, kung ikukumpara ang bilang na ito mas
mababa ito noong kaparehong quarter ng nakaraang taon.
Dahil dito, tatlong serye na ng mga Oplan
Lambat Bitag ang isinagawa sa Kabacan na pinangunahan ng Kabacan MPS sa tulong
ng pwersa ng Cotabato Police Provincial Office at nakahuli ang mga ito ng
daan-daang mga motoristang may iba’t-ibang paglabag sa batas trapiko, ayon kay
Ajero.
Maliban dito, sinabi ng opisyal na ang
pagbaba ng bilang ng kaso ng nakawan ng motorsiklo ay dahil sa augmentation ng
mga motorcycle cops na naka-ronda sa mga pangunahing kalye ng Poblacion,
Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento